CHAPTER 5

1183 Words
LOURDES'S POV: Pagkatapos niya akong halikan ay bigla na lang siyang natumba sa akin, mabuti na lamang at may upuan sa likod niya. Kahit hirap na hirap ako ay nabalik ko siya sa pagkakaupo roon. Tingnan mo 'tong amo ko, nalasing lang tinawag na akong wife. Bigyan niya kaya ako ng pera kung bola-bolahin ko rin ito? In fairness ha, masarap siyang humalik. Kaso yucky naman nung amoy alak. Para akong nalasing din nung hinalikan niya ako. Tinapik ko ang balikat niya, upang sana'y gisingin siya. Nang hindi siya magising ay napakamot ako ng ulo, sabay titig sa bartender. "Excuse me? Bayad na ba itong boss ko?" Tanong ko. Mabilis ang pag-iling niya tapos ay tumungo at parang may kinompute. Nang matapos ay inilapag niya iyung bill sa aking harapan. Halos lumuwa pa ang mga mata ko nang makitang halos umabot sa tatlong libo ang bill niya. Grabe naman mag-inom 'tong tao na ito. 'Yung mga tambay sa amin 300 lang ata gastos, kasama na pulutan. Tss! "Psst! Ito na bill mo, bayaran mo na para makauwi na tayo!" Bulong ko sa kanya, ngunit puro ungol lang ang narinig ko sa kanya, sabay yakap sa akin nang mahigpit. "Ang bango mo talaga, wifey ko!" Nakapikit niyang sabi. "Tss! Sige na nga, ako nang dudukot ng wallet mo." Bulong ko. Parang nakiliti lamang siya sa bulong ko, dahil sa hinawi niya ang mukha ko na para bang langaw lang. Kinagat ko ang labi ko, sabay dahan-dahang ipinagapang ang kamay ko sa maumbok niyang pwet este walllet. Nang mahugot ko iyon ay agad akong humugot ng tatlong libo, at inilapag iyon sa counter kasama ng bill. In fairness, ang tambok talaga ha. Hindi pwet ha, 'yung wallet. Doon talaga ako nakafocus, hindi sa pwet niyang malaki. "Let's go, hubby! Uuwi na tayo!" Sakay kong biro. Ipinatong ko ang braso niya sa balikat ko, sabay yakap sa beywang niya para maakay ko na siya palabas, ngunit sobrang bigat niya, at hindi ko man lang siya maitayo. "Shocks! Ang bigat ng itlog mo! Baka naman p'wede ka pagaan?" Bulong ko sa kanya, ngunit wala akong nakuhang sagot. Kaya pilit ko ulit siyang inaakay. Tamang-tama naman na may isang waiter ang dumaan kaya agad ko siyang tinawag. "Kuya, tulong naman, please!" Fortunately, he knew exactly what to do and immediately assisted me until we were able to get my boss into the car. "Maraming salamat ha." Sabay dukot ko ng isang daan para sa tip niya. Nang makaalis siya ay para akong hingal na hingal at napangiwi sa aking ginawa. Now what? Dapat pala ay isinakay ko na lang ito sa tricycle para hindi ako mapasubo. Diyos ko, kakakakilala pa lang naming dalawa, kung ano-ano na ang pinaranas niya sa akin. Tss! Marahan akong pumasok sa driver seat, at tumitig sa maamo niyang mukha. Nang hindi makuntento ay inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya. "Ang amo-amo ng mukha mo kapag ganito ka, ang sarap mo kurutin!" Bulong ko. Nang mapatitig ako sa labi niya ay hindi ko naiwasang mapalunok. Bakit ba kasi ang ganda ng labi niya? Parang ang sarap tulay halikan. Inilapit ko ang aking labi nang dahan-dahan sa kanya para sana halikan siya, ngunit bigla itong dumilat. "Ay, t**i mong mataba!" Gulat kong sabi, sabay layo sa kanya. Napahigpit ang kapit ko sa manibela sa katangahan na aking ginawa. I was about to bang my head there when I glanced back at him and he had his eyes closed again, so I was able to breathe a sigh of relief. Humugot ako ng malalim na hininga bago ko sinimulang paandarin ang kanyang kotse; marunong naman akong magmaneho dahil sa paunti-unting pagtuturo sa akin ni Tatay noon. Dati kasi, nagmamaneho siya ng jeep para sa boundary, ngunit nang ako ay makapagtrabaho na, pinatigil ko na siya. Ngayon, ang pagtatanim ng gulay na lamang ang kanyang inaatupag kasama si Nanay. Bagama't hindi kalakihan ang aking sahod, sapat na ito para sa aking pamilya. Ayoko na rin kasing mapagod sila, at isa pa may apo na silang dapat tutukan, kaya iyon na lang ang kahilingan ko sa kanila. Sana walang pulis na makasalubong, wala pa naman akong lisensya. Bakit naman kasi naglasing ang isang 'to! Napasubo tuloy akong mag-drive. Halos mangiyak-ngiyak ako matapos makarating sa bahay namin. Dali-dali akong lumabas ng kotse at agad na pinuntahan si tatay. "Tay!" Tawag ko agad sa tatay ko. "Bakit ka naman umiiyak?" Nag-aalala niyang tanong. "E, kinabahan po ako sa pag-drive, nalasing po kasi 'yung amo ko. Hindi ko naman p'wede iwan ang kotse niya. Kaya sinubukan kong imaneho hanggang dito, kaso hindi ko kayang i-park." Sabay ngiwi ko. "Hamo't ako na ang bahala." Sabay lakad niya patungo sa kotse, na sinundan ko lamang ng tingin. Nang matapos na maigarahe ni tatay ang kotse ay bumaba na siya at binuksan ang shotgun seat kung saan naroon ang aking amo. Maliit lang ang tatay ko, pero malakas niyang naakay si Sir Danya, na tinulungan ko rin naman patungo sa loob ng bahay namin. "Sa silid na lang po namin ni Remus siya, Tay. Nakakahiya naman kung sa sofa ko siya papatulugin." Nahihiya kong sabi. Tumitig muna si tatay sa akin, bago nagpatuloy sa paglakad. Dahil sa laki niyang tao ay hindi siya magkakasya sa sofa namin, kaya naman napagpasyahan ko nang sa silid na lang namin siya matulog, katabi si Remus. Habang ako ay sa baba na lang ng kama. Kahiya naman kung makikisiksik pa ako do'n, ano kami pamilya? Matapos namin siyang mapahiga ng tatay ko sa aking kama ay agad akong naglatag sa baba lamang ng kama. Dahil sa pagod ko rin ay agad naman akong nakatulog pagkahiga ko. Bagama't labis ang antok, nagising pa rin ako dahil sa hirap na nararanasan sa paggalaw. Iyon pala naman ay nakayakap at nakadantay ang legs niya sa aking mga hita. At hindi lang iyon, nakapasok din ang isang kamay niya sa loob ng aking blusa at nakahawak sa isang s**o ko. Sa sobrang pagkapahiya ko ay sinampal ko siya ng malutong. Nag-iinit ang aking pisngi na tumalikod sa kanya sa hiya. Ang gunggong na ito, paano siya nakarating sa tabi ko? At talagang napakawalanghiya niya, humawak pa talaga sa s**o ko. "Letse kang hinayupak ka! Ang sikip na nga dito sa sahig, nakuha mo pang sumiksik sa akin! At humawak ka pa talaga sa-" Hindi ko naituloy sa hiya, at nang mapasnin na tila inosente parin itong nakapikit ang mga mata, habang hinahaplos ang pisngi na aking nasampal. "Ang sakit! Anong nangyari?" Inosente nitong sabi na ikinangiwi ko. "S-sorry, ang laki kasi ng dumapong lamok sa pisngi mo! Oo, malaki talaga, k-kaya nasampal kita!" Sabay iwas ko ng tingin. Tss! Palalagpasin ko ito dahil mukha naman hindi niya sinasadya ang paghawak sa bundok ko. Nang mapadako ang mga mata ko sa kama at makitang wala ang anak ko roon ay bigla akong nataranta at napatayo. Omg, ang anak ko! Patakbo akong napalabas ng silid, saka bumaba. Natigil lang ako nang makita itong tahimik na pinapakain ng aking ina. "What's wrong?" Tanong ng aking amo na nakasunod na din pala sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD