LOURDES'S POV: The chill of the wind rouses me from sleep. Nang lumingon ako sa aking paligid, napansin kong nasa loob ako ng isang silid na hindi ko matukoy kung saan, ngunit may pakiramdam akong pamilyar ito sa akin. Ang silid ay simple at walang masyadong dekorasyon. Ang mga dingding ay pininturahan ng kulay puti na nagbibigay ng kapayapaan sa pakiramdam. May isang malaking bintana na nakabukas at ang puting kurtina ay isinasayaw ng hangin. Habang ang liwanag ng araw ay pumapasok ng banayad, na nagbibigay ng mainit at maaliwalas na pakiramdam sa buong silid. Amoy na amoy ko ang mabangong silid na tila pabango ng isang lalaki. Sinubukan kong lumabas at nakita ko ang isang babae na nakaupo sa sofa. "Saan ka pupunta? Hindi ka pa magaling, magpahinga ka pa!" Wika niya, nang may pag-aa

