Parang akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang pagbangit ni Sayer sa pangalan ng kapatid kong si Sean. Napaka tagal na nang huli ko siyang makita at malaki ang naging pagkukulang ko para hanapin sila. Nanikip ang dibdib ko dahil siya pa ang naghanap sa akin na siyang ako dapat ang gumagawa. Masyado kong inisip ang sarili ko at nakaligtaan ko na may nakababata akong kapatid na hinahanap na pala ako. Muli akong humarap kay Sayer. Hindi ko pwedeng palampasin ang pagkakataong ito para muli kong makasama ang pamilya ko. Isinantabi ko ang sa aming dalawa ni Sayer para bigyan ng daan ang muli naming pagkikita ni Sean at ng tatay namin. Naging marahas man siya noon sa akin ay kahit minsan ay hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay. Sadyang bata lang ako noon na naging akong masyadong

