ALTHEA’S POV
Simula nang gabing mabunyag ang pagsisinungaling ni Sayer sa 'kin, nawalan ako ng dahilan para kausapin siya. Galit man ang namayani sa puso ko hindi ko pa rin nakalimutan ang responsibilidad ko bilang asawa niya. Maaga akong gumigising para mapaghanda siya ng kakainin bago siya umalis para magtrabaho.
Sumabay akong mag-almusal sa kanya, binibigyan ko pa siya ng pagkakataon para sabihin sa akin ang lahat ng katotohanan. Pero nananatili lamang siyang tahimik at hindi man lang tumitingin sa 'kin. Alam ko naman na hindi siya magsasalita tungkol sa nangyari, sa pagkakakilala ko kasi sa kanya, kung ano lamang ang sinabi niya, iyon lamang ang dapat niyang sabihin. At ngayon alam ko na kung bakit ganoon ang ugali niya, marami pala siyang sikreto kaya ganoon siya.
Sa pagdaan ng sasakyan niya sa gate na binuksan ko, sandali siyang tumingil sa harapan ko't binuksan ang salamin ng kotse.
"I know you're mad. Pero gusto ko lang malaman mo na ginawa ko ang lahat paraprotektahan ka. I'll keep protecting you as long as I can..." He stopped pero hindi niya inalis ang tingin sa 'kin.
"...as long as you want me to."
Hindi na ako sumagot, ni hindi ko man siya matignan sa mata. Dahil alam kong maiiyak na naman ako sa tuwing makikita ko siyang malungkot. Ngunit mas nananaig ang galit at kagustuhan kong malaman ang katotohanan.
Gabi pa lang handa na ang gagawin ko para sa araw na iyon. Pupuntahan ko ang address na kalakip sa sulat na ibinigay ni Nurse Nari sa 'kin. Lulan ang isang taxi, ibinigay ko iyon sa kanya. Sandali niyang pinagmasdan ang kapirasong papel at inisip mabuti kung saan ba iyon.
"Sa ospital ang address na ito ineng." aniya.
"Sige ho, doon niyo na lang ako ihatid."
Sa tuwing pupunta ako ng suidad madalas kong daanan ang ospital na ito, ang daan niya kasi ay papunta sa grocery na madalas naming pinupuntahan ni Sayer. Sa loob ng isang araw,maraming nangyari hindi ko tuloy maiwasang isipin ang relasyon ko kay Sayer.
I touched my ring, which was our wedding ring, hindi ko lubusang maisip, paano na lang kung pati ang kasal namin ay hindi totoo?
Hinawakan ko ang sentido ko't minasahe iyon, simula kahapon sumasakit ang ulo ko, malamang dala ng mga inisip ko.
Hindi nagtagal at natunton ko ang destinasyon ko. Hindi ko inakala na malaki pala ang ospital sa malapitan.
"Saan ba ako mag-uumpisa? Sino ba ang kailangan kong hanapin dito?" bulong ko sa sarili hawak lang ang papel na bigay sa 'kin ni nurse nari.
Pumasok ako sa loob ng ospital, hindi ko alam kung saan ako pupunta pero nagbakasali akong may makakilala sa 'kin kaya naglakad-lakad ako sa loob nito. Nagpalipat-lipat ng ibang palapag hanggang sa mapuntahan ko ang palapag kung saan naroroon ang mga batang may sakit.
Kasalukuyan silang nasa isang kwarto kung saan may malaking telebisyon at sari-saring laruan, napaka bait naman ng ospital at kinonsidera nila ang kalayaang maglaro ng mga bata kahit pa may sakit sila.
Sa pagpapatuloy ko sa paglalakad, bumangga sa 'kin ang isang luhaang batang babae, sa tingin ko nasa walong gulang na. Kamuntikan pang matumba ang dextrose niya na dala-dala niya mabuti nalang at nasalo ko iyon.
"Sorry po." Pasinghot- singot niyang wika.
"Okay lang hindi naman ako nasaktan, ikaw ba okay ka lang?" Inalalayan ko siyang umupo sa libreng silya sa hindi kalayuan. Tumango lamang siya bilang sagot.
Dama ko ang lungkot niya kaya naman nagdesisyon akong samahan muna siya roon. "Anong pangalan mo?" untag ko nang malibang naman siya't makalimutan ang iniiyak niya.
"Sabi ni mama, hindi daw dapat ako nakikipag-usap sa hindi ko kakilala." Aniya na dumistanya nang kaunti sa 'kin.
"Tama. Kaya magpapakilala ako sa 'yo. Ako si Althea." Inabot ko ang kamay ko sa kanya at naghintay na kuhanin niya. Sandali niya itong tinignan bago kinuha.
"Ako po si Anna." Ngumiti siya ngunit sandali lang. Alam kong may gumugulo sa isip niya kaya siya malungkot at gusto ko siyang pasayahin kahit pa paano.
"Alam mo mas gumaganda ka kapag nakangiti." Namula ang pisngi niya sa sinabi ko. "Oh, tignan mo ang ganda-ganda mo oh." Nagtagumpay ako sa plano kong pagpapangiti sa kanya at ayokong mawala muna iyon habang kasama niya ako.
"Gusto mo bang makakita ng nakaaaliw na sayaw?" Sabi ko sa kanya habang hawak ang mga kamay niya. Magiliw siyang tumanggo na tila gustong-gusto makita ang sinasabi ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at hinanpan ang kantang gwiyomi at ginawa ang steps niyon sa harap ng bata. Aliw na aliw si Anna kaya naman sa sumunod na ikot ng kanta ay sumabay na siya sa 'kin. Napansin kami ng ibang bata sa kwarto kaya naman maging sila ay lumabas at naki sabay na rin sa gwiyomi dance na ginagawa namin.
It was refreshing to be with kids. Hearing their laughs made me feel like young again, parang bata na walang iniisip na problema.
"Pwede ba akong sumali?" Boses ng lalaki ang narinig namin mula sa 'ming likuran na agad naming hinarap.
"Nurse V!" Sabay-sabay na sigaw ng mga masasayang bata. Lahat sila lumapit at yumakap sa lalaki maliban lang kay Anna na sumiksik sa likuran ko.
"Na-miss niyo ba ako?" Ngumiti siya sa mga bata habang ginugulo-gulo ang buhok ng bawat isa sa kanila. "Parang yung isa nagtatampo pa rin sa 'kin." Aniya habang tumitinigin sa direksyon ko.
Lumingon ako kay Anna na tila naluluha na naman. "May nangyari ba?" Tanong ko sa kanya. Alam kong naintindihan niya kung saan patungkol ang tanong ko.
"Oh mga bata, bumalik na muna kayo sa play room kakausapin ko lang si Anna pati yung magandang ate na kasama niya." Ngumiti ang lalaki sa 'kin na may ningning sa mga mata. Humagikgik ang mga bata habang papasok sa kwarto na parang niloloko kaming dalawa.
Pag sara ng pinto, lumapit sa 'min si Nurse V na siya namang iwas ni Anna na lalong sumiksik sa likod ko.
"Anna, huwag ka nang magtampo, kailangan mo ang injection na 'yun. Alam kong nag-promise ako na hindi ko na iyon ituturok sa 'yo kaso inutusan ako ng doktor mo 'di ba?"
Sa paliwanag niya nalaman ko na ang dahilan kung bakit nalang ganoon si Anna sa kanya. Sinenyasan ako ng lalaki na tumulong sa pag-amo sa bata.
"..Ayun naman pala Anna, inutusan pala siya ng doktor mo." Bahagya akong umupo para makaharap ko ang bata. "Pero, alam kong nagtatampo ka dahil hindi tinupad ni Nurse V ang pangako niya. Kaya Nurse V," bumaling ako ng tingin sa kanya. "..humingi ka ng sorry kay Anna."
Ilang segundong natigil ang lalaki nang tignan ko siya kaya naman bahagya ko siyang kinalabit para bumalik sa ulirat niya.
"Ah!O-oo naman.." Aniya.
Umupo ang lalaki sa tabi ko at hinarap si Anna. "Sorry na Anna, mali na nag-promise ako tungkol doon. Kaya bilang pambawi, may regalo ako sa 'yo."
Dumukot ang lalaki mula sa bulsa ng kanyang pantalon. "Sorry." Aniya habang hawak ang malaking bilog na lollipop.
"Anna, nagpa-sorry na si Nurse V, may gusto ko bang sabihin?"
Unti-unting nawala ang baluktok niyang labi na nagiging malawak na ngiti. Hinablot niya ang candy at yumakap kay Nurse V na nawalan ng balanse at tuluyang napa-upo sa sahig.
"Sorry po Nurse V kasi tumakbo ako kanina, galit na naman sigurado si doktor sa 'yo, sorry po." Aniya na humihikbi-hikbi pa.
"Hindi naman siya galit, pero mas okay sana kung gawin na natin yung injection, kailangan mo kasi iyon baby." Aniya na sweet na sweet na nakikipag-usap kay Anna.
Bumitaw si Anna sa pagkakayakap sa kanya at tumingin sa 'kin. "Gagawin ko na po pero pwede po bang sumama si Ate Althea?" Maging ang nurse ay napatingin na rin sa 'kin.
"S-sige ba, basta wala ng tatakbo ha?" Nakangiti ko wika.
Nurse V mouthed a thank you to me in which I answered with a smile. Sumama ako sa kanila sa private room ni Anna na kung saan naghihintay ang injection niya. Sa paghiga ni Anna sa kama niya alam kong malaki ang takot niya sa karayom kaya siya nagkakaganoon. Tumabi ako sa kanya at niyakap siya habang si Nurse V naman ay isinasagawa ang pag-iinject sa kanya.
Madiin ang pagkakayakap sa 'kin ni Anna at alam kong sobra siyang natatakot sa nangyayari. Niyakap ko siya ng mahigpit at hinimas-himas ang ulo niya para mapakalma ko siya kahit pa paano. Ilang segundo lamang at natapos na ang injection ng gamot niya. Nurse V looked at me with a smile na sinuklian ko rin ng ngiti.
"Maya-maya makakatulog siya dala ng gamot na ibinigay ko sa kanya." Bulong nito.
Tumango ako. Alam kong gusto niyang ihiga ko na si Anna pero pinili kong hayaan siyang makatulog sa yakap ko. Pakiramdam ko nagagawa ko ito noon, isa na naman ito sa mga pakiramdam na hindi naman maalala ng utak ko.
Nang maramdaman ko ng nakatulog na si Anna at dahan-dahan ko siyang hiniga sa kama at inayos ang kumot nito. "Ngayon lang kita nakita rito ah." Ani Nurse V.
I looked at him pero bumalik din ang tingin ko ay Anna na bahagyang gumalaw. I decided to go out of the room para makausap si Nurse V nang hindi nagigising si Anna.
"Ngayon lang kasi ako nakapunta rito." Sabi nang masara ko na ang pinto.
"Ah, kaya pala. Well, hindi ko pa pala naipapakilala ang sarili ko nang pormal." I look up to see his face. May katangkaran din kasi ang lalaki. "Vito, just call me V." I took his hand para makapag pakilala na rin.
"Althea."
Ngayon na nakita ko na siya nang mas malapitan parang pamilyar siya sa 'kin. "You look familiar, nagkakilala na ba tayo dati?" I said matapos kong ibalik ang kamay ko.
He titled his head thinking about what I said, baka sakali kasing makilala niya ako.
"Ah! Oo, ikaw yung nakabunguan ko nung nakaraang araw." Aniya na hawak-hawak pa ang ulo. "You look better than the other day." He said smiling.
"Oo nga, ikaw nga yun! Thank you nga pala ah. Kung hindi mo ako sinalo baka napahiya na ko r'on."
"No prob', sasaluhin kita hangga't kailangan mo." Maloko niyang wika na pumogi gesture pa sa harap ko.
Natawa ako sa joke niya kahit pa paano. Nakakaaliw naman din kasi ang paraan niya ng pagsasalita. "Nakakaaliw ka pala, kaya pala gustung-gusto ka ng mga bata." I said brushing a little of my hair.
"Wedding ring? May asawa ka na pala. Joke lang iyong kanina ha, baka magalita ka." Aniya na agad binawi ang ginawa pagkakita sa singsing ko.
"Ah ito ba?" Natigil ako nang makita ulit ang wedding ring ko.
"Okay ka lang ba?" Napansin ni Nurse V ang biglang lumungkot ang mukha ko kaya agad akong tumawa kahit pa pilit lang.
"O-okay lang, wala 'to." Saglit akong ngumiti na agad ding nawala. Ayokong idamay ang ibang tao sa problema ko lalo na't kakikilala ko lang sa kanya. Mabuti nalang at nag ring ang telepono niya.
"Sure ka ha?" Muli niyang tanong na tinanguhan ko. "Gusto ko pa sanang makipagkwentuhan sa 'yo kaso tumatawag na ang boss ko. Sana makabisita ka ulit dito nang mapatawa naman kita."
"Hindi ako sigurado pero susubukan kong bumalik, salamat Nurse V."
We bid our farewell pero bago siyang makalayo sa 'kin narinig ko ang pagsagot niya sa cellphone niya. And he said Kuya.