Chapter 22

1073 Words
"Check the following location timed this morning." aniya sa chat. Hindi na ako nagreply at agad ko ng tingignan ang sinabi niya. It was a location inside an exclusive subdivision. "Zoom in the location." I replied to V. Sa loob ng isang buwang impormasyong meron kami ngayon, ito lang ang naiiba sa mga pinuntahan niya. Habang hinihintay ko si V, I checked her text messages. Halos ang laman ng inbox niya ang mga mensahe ay para kay Sayer. She had constantly reminded him to take care of himself while she's at home. Mga mensahe na nagsasabing nakahanda na ang pagkain sa pag-uwi niya mula trabaho. All too sweet na napapangiwi ako kasabay nang kirot sa dibdib ko. Sunod kong tinignan ang mga photos sa gallery niya. It doesn't have much, only those stolen shots of Sayer and some of her own photos, washing the dishes, fixing the bed and watching tv. I stopped to where I see her lips smiles. I saw myself with her in those photos. I saw myself taking those photos of her. Nanghihinayang ako, i wished I was in Sayer's position. "Zoomed the location." V's message popped again, cutting all my thoughts. May picture ito na kasama at doon ako mas naguluhan. "Clinic?" Hindi na nagreply si V sa huli kong chat at tangging natutulog na emoji nalang ang nireply niya sa 'kin. Sinubukan kong hanapin ang klinika na iyon online pero tila hindi iyon sikat at wala akong makitang trace posted from social media sites. Muli akong bumalik sa listahan ng mga lugar na pinuntahan niya sa buwang iyon. Another one unusual location set somewhere in the city. As I let my computer zoom in, it lead me to a Café. I never heard of those places. At kailangan kong makita mismo ang mga lugar na iyon. I want to know why she came there. I might be invading her personal life. But to me, this is the only way I can be close to her. Securing her is my way of repaying from risking her life. Hindi ako nakatulog agad dahil sa paghahanap ng impormasyon tungkol sa klinika maging sa café na pinuntahan niya. Nakapagtataka ang time frame, masaydong naging mabilis ang check up at tila ba wala sa ruta ang dinaanan ng taxi na nagdala kay Althea sa café. Ginising ako ni V dahil kailangan kong ipatingin ang paa kong nahihirapan akong gamitin. This leg was crushed by a fallen debris on the day of the incident. With my brother's help and my determination, agad itong naghilom at ang sabi ng doktor, hindi raw magtatagal ay mailalakad ko na ito nang mas maayos. I honestly thought I won't be able to live like before. Nawalan akong ng gana sa buhay matapos ang insidente. My brother V is a witness to all my weak times. At isa rin siya sa dahilan kung bakit ako nakarecover from physical and mental pains. I remember when we were little, madalas siya ang mahina at bilang ako ang nakatatanda, ako ang malakas. Panay ang pagtatanggol ko sa kanya at ako pa ang nagtuturo sa kanya na lumaban at maging matatag. Not knowing na sa pagtanda namin, all those crazy stuff from our childhood can be reliable. "Hindi mo na kailangan 'tong crutches mo, narinig mo naman si dok. Pwede kang maglakad pero dapat ipinapahinga ang paa mo from time to time. Do not overuse dahil mas lalala 'pag nagkataon." He reminded me like a nagging mother after the check up. Ang aga pa lang para sermonan niya ako. "Yeah, whatever." I sat onto the outdoor bench habang binubuksan ang laptop ko to see if there is a movement on Althea. "Kilala kita kuya, hindi ka mapakali hangga't hindi mo nalalaman ang lahat tungkol kay Althea." Aniya habang sinasamahan ako sa bench na nasa labas lang ng ospital na pinagta-trabahuan niya. "Para kasing may kakaiba, hindi niya pinupuntahan ang mga lugar na iyon." Hindi pa ako tapos magsalita pero nagsalita na siya. "What if, she went to that clinic because she's pregnant? What if she's in that café to meet some baby shower organizer?" Namula ang tainga ko at hindi napigilan na paluin siya sa ulo. Kamuntikan pang mamantsahan ang uniporme niya dahil sa kape na dala niya. "Aray naman kuya!" Reklamo niya. "Hindi na ako bata, hindi mo na dapat ako binabatukan nang ganyan!" Bulalas niya. "Ano bang pinagsasasabi mo?" Naiinis kong tuon sa kanya. "Bakit?" Bulong niya. "Hindi naman imposible. May asawa naman siya e." Aniya pa na pahina nang pahina ang boses. "Aba! Talagang!" Lalong uminit ang tainga ko at nang akma ko na siyang papaluin ulit sa ulo ay agad itong tumayo at lumayo sa 'kin. "Just think of this kuya," aniya na seryoso na mukha. "Why don't you just forget about her and move on." Wala akong naisagot sa sinabi niya. I was caught off guard. Hindi sumagi sa isip ko na kalimutan nalang siya nang ganoon. How can I move on, if she still owns my heart? Thinking and not doing anything won't finish the job. Dali-dali kong itinago ang mga gamot ko't naglakad papuntang parking lot para kunin ang kotse ni V. I have to check those places. Nalaman ko na hindi ako basta-basta makakapasok sa subdivision na kung saan nakatayo ang klinika na pinuntahan ni Althea. Kaya naman napunta nalang ako sa The Hook Café.   The place is perfect for book lovers and coffee drinkers. Tahimik ang lugar at napaka spacious, tamang-tama sa mga taong gustong mapag-isa. A waiter approached me as soon as I step inside. He led me on one of the table where the sun light comes in. Pero hindi kaya ng mata ko ang liwanag kaya naman nagpalipat ako sa lugar kung saan walang sinag ng araw. Puno nang book cases ang likurang bahagi ng café kung saan maaring kumuha ang customer at basahin iyon doon. The waiter handed me the menu but I refused. "Just give me the best seller." I said. Pag-alis ng waiter agad kong nilabas ang cellphone ko to take some pictures of the surroundings. I have to save to save them on my database for future reference. I took out my laptop and transferred the photos. Hindi nagtagal dumating ang inumin na hinapag sa 'kin ng waiter. Katabi ng kape ay ang isang libro. Ang sabi ng waiter, bawat customer daw ay binibigyan talaga ng libro na mababasa lang doon at tradisyon daw nila iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD