Pinagmasdan kong muli ang loob ng bahay. Kung tama ang nasa isip ko. Ito nga ang bahay na kinalakihan ng nanay ko at ang matanda sa harapan ko ay siya ngang tunay kong lola. Pero paano nangyaring napadpad ako rito? Imposibleng nagkataon lang ang lahat. Bumalik ang tingin ko sa matanda nang maglakad siya papalapit sa akin. "Halika. Siguradong gulong gulo na ang isip mo sa mga nangyayari." Pinasunod niya ako sa pag upo niya sa sofa saka niya hinawakan ang mga kamay ko. "Ynna, apo. Matanda na ako. Wala na akong panahon para magpaligoy ligoy pa. Nabasa ko ang sulat na iniwan mo sa mesa kagabi. Hindi ako nagkakamali. Ikaw ang apo ko. Ang nag iisang anak ni Theresa." Marahan kong binawi ang mga kamay ko. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko pero magulo pa rin ang lahat sa isip ko. "Paano?" U

