Hindi nakinig ang mga armadong lalaki na pumasok sa bahay ni V at walang sabi sabi ay kinuha kaming pareho at mabilis na isinakay sa dala nilang sasakyan. Kahit anong tanong ang isigaw namin ay wala silang imik. Kahit hawak pa rin nila ang mga baril ay hindi naman nila kami sinasaktan. Pero hindi niyon nabura ang kaba sa dibdib ko. Katabi ko man si V ay parang wala na rin siya sa sarili niya. Hindi ko siya magawang makausap nang maayos. Malayong malayo ang linya ng trabaho nilang dalawa ni Cason at halatang hindi sanay sa mga ganitong sitwasyon si V. Sinubukan kong pakalmahin siya pero tinapyos niya ang kamay ko. Sa tingin pa lang niya sa akin ay alam kong sinisisi niya ako sa lahat ng nangyayari. Nagdesisyon akong huwag na muna siyang kausapin. Pareho kaming walang ideya sa kung an

