Naririnig ko na ang mabilis nilang paglapit sa pintuan. Agad na akong sumilip sa mismong operasyon na ginagawa kay Althea. Naroon muli ang dalawang banyagang doktor na kasalukuyang minomonitor ang mga galaw ng kundisyon ni Althea. Malayo man ako ay nakikita kong na-e error ang paghahanap nila ng codes. Nag aakasaya lang sila ng oras. Maswerte akong walang ibang tao sa operating room maliban sa dalawa. Madali ko lang malalapitan si Althea. Agad akong kumuha ng gamot mula sa medicine cabinet na naroroon. Pampakalma ang kinuha kong gamot na nasa heringilya na. Tahimik akong lumapit sa kanina na paminsan minsang magtatago kung makikita ko silang bahagyang lilingon. Bago ko itusok sa kanila ang gamot ay natigil ako dahil sa pag uusap nila. "This can't be. The codes are gone," reklamo n

