Chapter 47

1263 Words
Ayokong bitawan ang kamay ni Sayer nang isakay niya ako sa chopper. Gusto ko siyang makasama kahit saan man ako magpunta. Laking pasasalamat ko na buhay pa siya. Buhay pa ang ama ng dinadala ko. Kumpleto pa rin ang pamilya ko. Masaya ang puso ko sa magandang balita ngunit nakita ko ang labis na pag aalala ng dalawang medical personnel na sumundo sa akin. Sumama na rin ang nurse na kasama ni Sayer na umalalay sa akin habang naghihintay sa chopper Marami na silang itinurok na gamot sa akin. Hindi ko man sila naririnig dahil sa noise cancellation headset na nakalagay sa mga tainga ko ay nababasa ko sa pag uusap nila na sinasabi ng nurse ang sitwasyon ko sa dalawa. Wala na akong maramdamang sakit. Maaaring may gamot na silang ibinigay sa akin para roon. Pero ang patuloy na pagtulo ng dugo mula sa akin ay nagpapatuloy pa rin. Hindi man ako maalam sa ganito pero hindi ba dapat tumigil na ang pagdurugo ko dahil dalawang beses na akong nabigyan ng gamot para roon. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi pa rin tumitigil ang pagdurugo. Ayokong may mangyaring masama sa anak namin. Bahagya akong hinawakan sa balikat ng babaeng nurse na kasama kong umalis sa isla. "Bibigyan ka namin ng pampatulog. Pagdating natin sa ospital, sasalubong sa 'yo 'yong doktor mo." Tumango lang ako. "Huwag kang mag alala. Gagawin namin lahat para sa inyo ng baby mo." Ilang segundo lang matapos magturok ang isa pang nurse sa tube na diretso nang nakatusok sa mga ugat ko ay nakatulog na ako. Napakagaan sa pakiramdam nang buksan ko ang mga mata ko. Panaginip man o hallusinasyon dala ng gamot ay hindi ko alintana. Wala akong sakit na nararamdaman. Nakakapanibago. Payapa ako sa maliwanag na lugar. Hanggang sa makaramdam ako ng bahagyang pagtapik sa balikat. Hindi ko alam pero hindi ko ginawang lingunin man lang siya. Malakas ang pakiramdam ko na itong tao na 'to ang hindi ko inaasam makita. "Althea, anak." Kumabog ang dibdib ko sabay sa biglaang patulo ng luha ko. "Patawarin mo ako sa nagawa ko." Noong una ay inakala kong pangungulila ang nararamdaman ko pero sa pagbalik ng mga nangyari sa akin dahil sa Imprint ay napagtanto kong galit ang laman ng puso ko. "Huwag mo akong hawakan." Nag aalinlangan man ay inalis niya ang pagkakapatong ng kamay niya sa balikat ko. "Malaki ang kasalanan ko sa 'yo. Hindi ko inaasam na matatanggap mo ako bilang ina mo dahil sa--" "Wala akong ina!" Narinig ko siyang suminghap. "Walang matinong ina ang gagawa ng katulad ng ginawa mo sa akin!" "A-anak, alam ko--" "Wala akong interes sa sasabihin mo. Hindi ka na dapat bumalik. Hindi ka na dapat nagparamdam pang muli sa 'kin. Patay ka na para sa akin!" "Naiintindihan ko ang galit mo, Anak. Pero kung hindi ko iyon ginawa noon, lahat tayo, kasama ang ama mo, papatayin nila." "Makasarili ka! Iniisip mo lang ang sarili mo! Nilipat mo sa akin ang problema saka ka umalis! Wala kang kwentang ina!" Hindi ko na napigilan ang labis na emosyong dumadaloy sa puso ko. Kahit kaya ko ay hindi ko siya hinarap. Mas mabuti ng hindi ko alam ang mukha niya. Kahit kailan ay hindi ko nakita kahit man lang ang larawan niya. "Wala akong ibang inisip kundi kayo ng ama mo. Kaligtasan ninyo ang nasa isip ko nang ibigay ko sa 'yo ang imprint. Maniwala ka man sa akin o hindi, ginawa ko iyon para iligtas kayo." Natawa ako nang may kasamang galit. "Nagpapatawa ka ba? Kami ang inisip mo? Anong kaligtasan ang pinagsasasabi mo? Ligtas ba ako sa sitwasyon ko ngayon?" "Hindi dapat ito mangyayari. Ilang taon ko na silang napaniwala na na sa akin pa rin ang imprint. Pero inaamin kong pagkakamali ko kung bakit natunton ka nila." Hindi ako sumagot. Wala mang magagawa ang mga paliwanag niya dahil nangyari na ang mga nangyari pero gusto ko pa ring malaman ang pagkakamaling nagawa niya. "I hired Cason and Sayer to protect you. Inakala kong kilala ko na sila dahil sa research na ginawa ko patungkol sa mga katauhan nila. But I was wrong." "Isasama mo pa sa kasalanan mo ang asawa ko? Patawa ka." "Hindi mo siya asawa. Hindi kayo ikinasal. He pretended to--" "Sayer did that to protect me!" Muling umusok ang galit sa tainga ko. "Nawala ang mga alaala ko at nagpanggap siyang masaya ang buhay ko para protektahan ako! Pero wala, dahil sa pesteng imprint na 'to! Lahat ng ginawa niya nawalan ng saysay!" Sa pagkakataong iyon ay hinarap ko siya. Para akong tinarak sa dibdib nang makita ko siya. She was in a wheelchair. Puti na ang mga buhok niya. Payat na payat pa. Sa pagkakaalam ko ay magka edad lamang sila ng ama ko. Pero malayong malayo ang itsura nila. "You're right, Anak. This is all my fault. I was running out of time. Ang paglipat ng imprint lang ang naisip kong paraan noon para mawala ako sa buhay ninyo. My job became a threat for our family. Hindi alam ng ama mo ang lahat. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit galit kayong dalawa sa akin. Tanggap ko ang lahat ng galit mo. It was really my fault. I'm sorry, Althea." Gustuhin ko mang tumalikod muli para hindi na siya makita ay hindi ko magawa. Para akong na estatwa sa kinatatayuan ko at napako ang tingin ko sa kaawa awang itsura niya. "Pinagbabayaran ko na ang lahat ng kasalanan ko sa 'yo. Althea, I'm dying." Nagkuyom ang dalawang kamay ko. Hindi pumayag ang katawan at isip ko sa pagpapaawa niya. Nanatiling namayani ang galit na nararamdaman ko. "And so? Gusto mong maawa ako sa 'yo? Kamatayan ang ipinataw mp sa akin nang ilipat mo ang Imprint sa akin! Wala akong kaalam alam!" "I have an important mission. This is my last mission. I'm taking the Imprint back." Napataas ako ng kilay sa sinabi niya. "Hindi na ako manggugulo sa buhay mo, sa buhay ninyo ng pamilya mo. The Imprint holds a secret that might ruin this world kung mapupunta sa maling mga kamay." "Hindi ko ibabalik ang Imprint sa 'yo." Nanlaki ang mga mata niya. Alam kong hindi iyon ang inaasahan niyang marinig mula sa akin. "Sinira mo ang buhay ko. Hindi ako nagkaroon ng ordinaryong buhay dahil sa Imprint!" "Kaya ko babawiin ito sa 'yo ngayon para maging normal na ang buhay mo." "You're too late." Tinalikuran ko siya. Wala mang patutunguhan ay naglakad ako sa malawa at tila ba walang katapusang maliwanag na lugar. "Althea! You have to give it back!" Natigilan ako sa sigaw niya. "Mapapamahak kayo ng anak mo kung mananatili ang Imprint sa katawan mo!" Hindi ko magawang makapag isip ng kahit na ano. Gusto kong sagutin siya. Gusto kong paulit ulit na sisihin siya sa lahat ng nangyayari. "Nasa katawan ko pa ang kalahati ng Imprint. I'm dying for the codes are looking for the others. Nakatakdang makumpleto ang Imprint eight months from now. At habang dumadaan ang panahon, kakainin ng imprint ang lakas ng katawan mo... tulad ng nangyari sa akin." Kusang gumawa ng mga imahe ang isip ko. Na sa pagbubuntis ko ay magiging kagaya niya ako. Kagaya niyang alila ng imprint. "I don't want this to happen to you. Kaya please, Anak let me have the Imprint back." "You did this to me. Hinding hindi ko ibabalik ang bagay na magpapagaan sa buhay mo!" Luhaan ko siyang hinarap. Lahat ng galit na nararamdaman ko ay buhos sa pamamagitan ng mga luhang walang tigil sa pagpatak. "Kung mamamatay ako, mamamatay ako kasama ng imprint na 'to!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD