Dala ko sa bulsa ng jacket ko ang hard disk na naglalaman ng data. Alam kong malaking sugal na dalhin ko ito sa kalaban pero naroroon si Althea. Prayoridad kong mailigtas siya kahit kapalit pa ang data na noon pa man iniingatan na namin. Wala akong kahit na anong plano kahit pa alam ko na kung ano ang daratnan ko roon. Tiyak na nakapalibot ang napakaraming tauhan ng presidente doon kasama pa ang mga tauhan ni Theresa. Kahit man plano ako tiyak na hindi ko iyon magagawa. Imposible lang talaga sa pagkakataong ito lalo pa't nasilaw na sa pera at pangako ang boss ko kapalit ang data. Sa huli kami lang talaga ang aasahan namin. Lahat na lang nabubulag sa pera at kapangyarihan. Nasa gitna ako ng mahabang highway nang bigla na lamang kumabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit pero bigla a

