Ginising ako nang maaga ni Gio para sa umpisa ng pagto tour niya sa akin sa isla. Sa tabing dagat ang diretso namin. Maaga man pero iyon daw ang pinakamagandang oras para gawin ang pagsu-surfing sa isla. Dahil wala akong dalang pang swimming ay nag rent ako roon ng suit at surfing board. Seeing the beautiful scenery of the ocean, I realized I had never done this kind of thing in my life. Naburo kasi ako sa trabaho sa tago, masikip, at madilim na kwarto kung saan computers lang ang lagi kong kasama. I doubt that I can do this pero nang makakita ako ng mga kabataan na minamani lang ang surfing ay nilakasan ko ang loob ko. Naglakad ako diretso sa dagat pero napansin ko na hindi nakasunod si Gio. Paglingon ko uli ay nilapag niya ang kanyang surfing board sa buhangin saka ako tinignan. "B

