Hilong hilo pa rin ako nang subukan kong ihakbang ang mga paa ko papunta sa kwarto kung nasaan si Althea. Imposibleng makausad ako sa nararamdaman ko. Mabuti na lang at lumapit sa akin ang isa sa mga tauhan ng presidente dala ang isang syringe saka itinurok iyon sa balikat ko. Agad kong naramdaman ang mainit na gamot na kumalat sa balikat ko. Medyo mahapdi iyon pero gumaan naman ang pakiramdam ko. Ilang beses akong kumurap para siguraduhin na hindi na ako mahihilo at sa paghakbang ko ay maayos na ang paningin ko. Nakahawak pa rin ako sa pader nang lakarin ko ang silid na kung saan naroroon si Althea. Pero bago ako makapasok ay siya namang harang sa akin ng isang doktor. "Ikaw si Sayer 'di ba? Ang asawa ng pasyente?" nagmamadali niyang tanong habang hawak ang mga balikat ko. Tumango

