—5 YEARS AGO—
___Ruby's POV___
After the encounter in the waiting shed, I've been avoiding Daniel in the campus. Di ko pinupuntuhan yung mga lugar na nakasanayan ko. Di nako nagpupunta ng canteen para hindi lang siya makita.
Hindi ko parin pinapansin si Daniel hanggang sa birthday na nito, I didn't even greet him dahil hindi pa kasi kami nagkaayos.
Mag-isa lang akong nasa condo ngayon, nag-iisip kung pupunta ba ako sa party niya.
He sent me long dress a while ago, it is a plain black with a long slit in the right side. It would perfectly shaped my curvaceous body figure if I'll wear it but I decided not to.
Hindi naman kasi ako pupunta, nakapagdecide nako.
Nag-iisip pako dito kung ano ang gagawin ko sa mga susunod na araw, malapit ng magtapos ang school year ngayon at hindi ko pa nabibisita sila Amang at Mama sa Cebu, maybe sa Cebu nalang ako magbabaksyon, wala namang Summer class ngayon.
Tumayo nako ng biglang nagring ang selpong hawak ko, tinignan ko yung caller at dali-daling sinagot ang tawag ng makitang si William ang tumatawag.
"Bakit Yam?", tanong ko kaagad, Nag-aalala.
Tatawag lang kasi ito kapag may problema sa bahay, tungkol kasi sa lupang sinasakahan ni Amang o medisina ni Amang lang ang paniguradong problema kung bakit ito tumatawag ngayon.
"Ate si Amang dinala sa kulungan", nanginginig na sagot ng nakababatang kapatid ko.
Bigla akong natulos sa kinatatayuan ko ngayon. Nanginginig ako sa takot at pag-alala, kung napano na si Amang doon, kamusta na ito? kumakain ba ito ng maayos? nakakatulog ba ito ng maayos? hindi ba ito hinihika sa loob?.
"Nagalit yung si Don Miguel ate dahil hindi pa nakakabayad si Amang sa nakaraang upa sa lupain", paliwanag agad ni William para di nako mag-alala kay Amang ang kaso'y alalang-alala nako dito
"Ilang buwan na bang di nakabayad si Amang diyan? ", mahinahong tanong ko
"Dalawang buwan bale sampung libo yung utang ni Amang ate", maigi niyang sagot
"Gagawan ko yan ng paraan, baka sa linggo nako magpapadala", Magraraket na naman ako nito.
"Sige ate, patawad po, wala pa akong silbi sa pamilya natin", malungkot na sambit niya.
"Yam nasa high school ka pa kasi, kaya kung gusto mong magkaroon ng silbi gaya ng sabi mo, mag-aral ka nalang ng mabuti riyan", paalala ko sa kanya.
Sa mga ganitong sitwasyon kasi ang nagpapahina sa kalooban nito, one time nga umuwi itong basag ang mukha, pano'y napasok sa rambolan sa kalye ng malamang inatake si Amang.
"Wag kanang gagawa ng ikagagalit ni Mama diyan".
"Bye ate ingat ka diyan ah", si William na ang nag-off sa tawag.
Nagsaing nako ng kumalam tong tiyan ko, hapon na ngayon at kumakain ako ng pananghalian ng magring yung selpon ko na nasa salas, tumayo ako't tinignan kung sino na naman ang tumatawag, unregistered ito kaya sinagot ko.
I talk to strangers in phone dahil hindi naman nila tayo nakikita, so no fear yan.
"Hello?", bungad ko
"Precious!, mag-usap naman tayo please", pagmamakaawa ng caller.
Kahit kilala ko to ay hindi ko parin ito kakausapin, over my dead gorgeous body Dan!.
"Wrong number po ata kayo manong!", pinatay ko na ang tawag pagkatapos.
Wala pang isang segudo ay nagring na naman yung selpon ko. Siya na naman ang caller, hayst Dan wala na talaga tayong pagasa sa isa't-isa
Tinuloy ko ang naudlot kong pagkain kanina, bumalik ako sa hapag at iniwan ang selpon sa salas. Kumakain nako rito't patuloy parin sa pagring yung selpon ko. Pinabayaan ko ito't nagpatuloy na lamang sa pagkain.
Tapos nakong kumain at hinugasan ko na ang platong nagamit ko, naiinis ako sa patuloy na pagring ng selpon ko kaya pinuntahan ko ito sa salas at sinagot ang tawag ng hindi tinitignan kung sino ang tumatawag.
"Dan naman!, lubayan mo na nga ako!", pasigaw kong anas.
"Ate...", nanginginig na tawag ni William sakin
Nang marinig si William ay na tinignan ko ang caller sa selpon. Impakta ka Ruby!....
"Yam sorry akala ko'y si Daniel ka".
"Okay lang ate, pero napatawag ako ulit dahil kailangang kailangan ka dito sa bahay ate, nakapagbayad na si Mama sa lupain kaso'y hinahanap ka na ni Amang, hindi siya natutulog ng maayos ate, pinapauwi ka na nga eh!", sumbong ni William sakin.
"Pag-iisipan ko Yam, sabihin mo nalang kay Amang na magbabakasyon ako riyan"
"Sige ate, salamat!"
Nakahinga ako ng maluwag ng isiping makakauwi nako sa makawala, magiging masaya ata ako ngayon sa paparating na bakasyon, makikita ko na naman sina Amang at Mama pati narin si William.
Alas otso na ng gabi ng napagdesisyonan ko ng matulog, nasa banyo nako ngayon at naliligo ng may tumawag.
Sinuot ko yung robang nakasampay bago lumabas, si William ang tumatawag, nakailang tawag nato mula kanina, mukhang malaking problema to.
"Bak-", hindi na natapos ang sasabihin ko sana dahil naunahan nako ni William.
"Ate si Amang!," garalgal ang tinig nito.
"Bakit anong nangyari kay Amang Yam!?", napasigaw nako dito.
"Nadala sa ospital si Amang kanina ate Ruby!....ngayon lang ako nakapagload eh kasi naman bigla nalang hinika si Amang kanina at nawalan ng malay!.. Ate anong gagawin ko, hindi ko kaya ate, nasa kapitolyo si Mama, nanghihingi ng abuya, may TB kasi si Amang sabi ng doktor kanina samin ni Mama, ate kelangan daw maoperahan si Amang ng maaga ng sagayon ay hindi daw lumala yung TB, malaking pera ang kelangan ate sa lungsod kasi ipapaopera si Amang, walang sapat na materyales dito satin".
"Yam uuwi ako diyan ngayon din", desididong sabi ko.
"Sige ate dito muna ko kay Amang, di muna ako papasok sa Lunes, Bye ate", paalam niya bago pinatay ang tawag.
Malalim akong napabuntong hininga kapag kuwan, iniisip ko si Amang ngayon paniguradong naghihirap ito.
"Amang naman eh bakit kaba kasi kayod ng kayod diyan ano pala ang silbi ko dito sa maynila!", sambit ko na parang kausap si Amang.
Talagang makakatikim to ng ratrat machine mouth si Amang mula sakin.
Nakabihis nako at kinuha ang medium size na maleta ko, tinapi ko lahat ng kelangan ko na mga damit, mukhang isang buwan akong mananatili don.
Nasa maleta na ang lahat ng gamit ko, mga t-shirt, duster, shorts, panty, bra, at tatlong pares ng sapatos. Di nako nagdala ng kung ano-ano pa, doon nako bibili pagkarating ko.
Nakabook nako ng masasakyang eroplano, alas dies ng gabi ang flight ko, at alas otso trenta na ngayon.
Lumabas nako at pinatay ang lahat ng ilaw, babalik pa naman ako dito, nabili ko kasi tong condo ko sa unang araw ko dito sa maynila.
Dala ang maleta ko, tinungo ko ang daan papuntang elevator, naghihintay ako dito ng may biglang tumabi sakin, tinignan ko ito, si Celine Macey Gonzaga, pinsan ni Daniel. Magkakakilala kaming dalawa dahil pinakilala ito ni Daniel sakin ng pumunta kami sa bahay nito.
"Hey, where are you going?", mahinang tanong nito sakin.
"Cebu".
"Why?", paanas ang boses nitong nagtanong.
"Long story", sagot ko.
"Is this because of the things Daniel's parents had done?", tanong nito na may takot at lungkot sa mga mata.
"Yes", ayaw ko mang magsinungaling ngunit kailangan upang hindi na ako kukulitin nito.
Kahit hindi ko gustong kausapin to ay may pinagsamahan din naman kami, I don't want to be rude though wala naman na siyang ginawang masakit sakin.
"I'll tell Daniel then", umalis na ito at iniwan akong mag-isa sakto namang bumukas ang elevator kaya pumasok nako.
Kumuha ako ng taxi, mga labing-limang minuto lang ang itinagal ng paghihintay ko, sumakay agad ako para maaga akong makarating sa airport.
Nasa singkwenta minuto lang ang biyahe namin, nagbayad nako't lumabas, dala-dala ang medium size kong maleta ay lumakad nako, patungo sa loob ng airport.
Nahinto ang paglalakad ko ng makita ko ang pamilyar na bulto, nakatalikod ito sa gawi ko at nakayuko pero kahit nakatalikod ito ay kilalang-kilala ko ang bulto ni Daniel.
Shit anong ginagawa niya rito!?
Arghhh Celine!! bwesit naman oh!....
Magpinsan nga naman, para lang tong si Riri eh.
Kahit natatakot na baka makita niya ako ay nagpatuloy padin ako sa paglalakad. Nadaanan ko ito, magpapasalamat na sana ako sa Panginoon ng may biglang braso ang pumulupot sa beywang ko, yumayakap.
This manly scent of his, s**t!......
nakakagigil ka Dan!
"Precious please!, come back to me please", nagmamaka-awa ito, basag ang boses na nagmamaka-awa saking bumalik pero hindi to dapat ang inuuna ko may pamilya akong naghihintay sa Cebu.
Kahit gustohin ko mang magkaayos kami ay wala din namang patutungohan iyon, ikakasal na ito sa mayaman katulad nito.
Nahihirapan ako, nag-aalala at naaawa sa sarili dahil hindi ako tanggap ng pamilya ng lalaking mahal na mahal ko pano'y mahirap lang daw ako.
Kahit gustohin ko ding maging maligaya ay hindi ko magawa para sa sarili ko, mukhang pamilya lang ang tanging kaligayahan ko.
"Dan umuwi kana at bitawan moko kundi tatawag ako ng pulis", matigas kong sambit at naghintay na pakawalan niya ngunit hindi ito nangyari pano'y pinihit niya ko paharap sa kanya.
"Dan!-", hindi na natapos ang dapat na sasabihin ko pano eh hinalikan ako ng kumag.
"Baboy ka Dan! Baboy! Anow bah! Werp!, Werp!, tulong!!", nagpipilit akong makawala sa yakap at halik niya kaso'y ang higpit ng pagkahawak niya sakin.
Pinabayaan ko nalang, wala naman na itong magagawa, desidido nakong makauwi ngayong gabi.
Nakatingin lang ako dito sa taong humalik sakin, nakapikit ito pero hindi yun nakakabawas sa kagandahang taglay nito.
Maraming taglay ang lalaki na sobrang kaakit-akit, pati nga bakla ay malalag-lagan ng panty na suot.
Hindi lang ang malalim at kaakit-akit na berdeng mata nito ang makakabihag sayo, pati narin ang katawan nito dahil kahit sa murang edad ay malaki na ang katawan ng mokong, maskuladong maskulado, parang binuhay ito para maging tagapagmana sa napakagandang hulma ng katawan.
Mataas ang height nito kumpara sa ibang batilyo, hanggang balikat lang ako nito, kaya kung hahalikan niya ako'y yuyuko't yuyuko talaga ito, gaya lang ngayon.
Nakakakuha ng atensyon ang mokong pano eh kay taas taas nito't klarong-klaro ang pagkakayuko isali pa na hinahalikan ako nito.
Gusto ko na sanang magpadala sa kanya ng biglang may nagsalita sa may speaker na nagpabalik sa katinuan ko.
"Calling all the passengers of flight 452, we're about to take off within one hour"
Biglang napadilat si Daniel at nakatutok ang kaakit-akit niyang berdeng mata sa malalim na tsokolateng mata ko. Bigla akong nagpanic dahil sa mga matang to ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon ng ibang tao.
"Bitiw!", pasigaw kong anas sa kanya, nakatutok padin sa isa't-isa pero hindi ko kinaya't nagbaba na lamang ako ng tingin.
"Dan Isa pa! tatawag nako ng pulis!!"
Akala ko'y di nako bibitiwan ng mokong kaso'y takot ba naman to sa pulis.
"Precious naman eh!", nagdadabog ito, parang bata lang na nakunan ng candy.
Kung ganito sa normal naming pagsasama noon ay napuno na ito sa halik ko dahil sa nakukyutan ako sa kanya pero iba ngayon, may problema samin at ang pag-alis ko lamang ang tanging solusyon.
"Just let go please, wala tayong mapapala kapag tayo ang magkasama", mahinang anas ko.
"I can't Ruby.... you're my only precious please remember that, ikaw lang ng tanging ilaw ko, please Ruby I can't live without you!, please Precious come back to me!...", nanghihina ito habang nagsasalita, yumayakap.
"Dan please naman ikakasal kana ano ba!, wala tayong patutunguhan sa lagay nato!", nanghihinang anas ko din.
"Just let go of me please, we're off", pagkasabi nun ay pumasok nako sa airport, pero natulos ako sa kinatatayuan pano'y sumigaw ang mokong.
"Just wait Ruby Monty! You'll be my only Wife in the future! I will not marry anyone but you! Just you!! My precious Ruby!!", Sigaw ng sigaw ang mokong kaya sinita ito ng mga gwardya.
Pailing-iling lang ako dito pano eh kay lalaking lalaki, parang babae kung magsalita, sobra sa sweet.
Pumasok nako't tinapos ang dapat gawin sa loob, Nakaupo nako dito sa loob ng eroplano pero hindi parin mawala wala sa isipaan ko ang pinagsasabi ni Daniel kanina.
My only Precious pala ah, tignan lang natin kung mapanghahawakan mo pa yang pinagsasabi
mo ngayon.
Tsk. asa ka pa eh may ipapalit kadin sakin sa susunod na araw. lalaki nga naman.
Tignan natin Daniel Mitch Sandroe kung talagang totoo ka sa mga sinasabi mo.
FUTURE WIFE huh...
Let's see.
—*MG*—