CHAPTER 1

1472 Words
___Ruby's POV___ "Ruby?" "Ruby Monty!? ay oo nga Ruby babe!!" Napangisi na lamang ako sa aking nakikita, sino ba naman kasi ang hindi mapapangiti eh kung makatawag parang ito lamang ang tao dito sa airport. Nakangiti akong lumapit sa kanya dala-dala ang aking maleta. "Halaka girl! ikaw na ba talaga yan!!!!?" halos pumiyok na itong pinsan ko na siyang naghintay sa akin dito. "Hindi ata" nakangisi ako habang sumasagot. " Ay hala nanirahan lang sa Cebu ng limang taon, nag-iba ng ugali" nakangusong sambit nito. "Luhh nabubuang kana? hallucination lang yan insan, huwag kang magpapadala", inis ko pa sa kanya, iyon naman talaga ang katangian ko, I teased a lot lalo na sa mga relatives ko, especially this Riri babe. "Ano bayan Ruby lika na nga!" inis nitong inalis ang aking kamay sa hawak kong maleta sabay alis. "Ay puta hoy Riri umayos ka dyan!" mas lalo akong ngumisi ng itinaas niya ang gitnang daliri sa ere habang naglalakad papunta sa nakapark na sasakyan. "Kahit umula't bumagyo hindi talaga to magbabago" I sighed when satisfaction is written in my face. Sa lahat kasi ng mga pinsan ko ay ito lang ang pinakaclose sa akin, alam niya ang lahat ng gagaguhan ko noong bata pa kami, we're the same 24 years old right now pero tong mga bibig hindi parin nagbabago mas lalo pa atang lumala eh napakamot na lamang ako sa naisip. Agad akong pumasok sa loob at itong kanta ang agad bumungad na nagpahinto sa aking makaupo dahil para akong natulos sa kinatatayuan ko ngayon because of some memories that I'd want to cherish way back, mga ala-alang pilit ko nang kinalimutan. Mga ala-alang dapat huwag nang hukayin, dapat ay ilibing na habang buhay. "Well you only need the light when it's burning low, only miss the sun when it starts to snow only know you love her when you let her go only you've been high when you're feeling low only hate the road when you're missing home only know you love her when you let her go and you let her go"" Naestatwa pa ako dito sa kinaroroonan ko ng magsalita si Riri. "s**t ano bayan ang bagal mo Ruby babe" pagalit na sambit ng pinsan ko pero hindi naman kapani-paniwala, huwag ako ang lukuhin may babe sa dulo ng salita niya hakhak bati na agad kami yehey! Pinagpawisan ako dun ah buti nalang iniba ni Riri ang tugtog dahil mukhang napansin niya ata ang pagkaestatwa ko ng marinig ang let her go na kanta. let her go.... Ito na naman tayo sa katagang to. Isinuot ko na ang seatbelt ng makaupo na ako, agad ko naman hinalungkat ang i********: ko, I've been posting my pictures in here mabikini, pagkain o kaya magagandang tanawin kaya naparami narin tong followers ko, 300k+ iyon, mukhang nagagandahan na ata sakin tong mga tao ah isipin mo hindi naman ako sikat pero pinatulan padin tong account ko, tao nga naman ining. Agad akong nagkuha ng video sa aking pinsan habang nagmamaneho tapos sakin naman, pangiti-ngiti ako sa video tas nagadd ako ng caption na ' here I am'. Ilang minuto pa lamang ang nagdaan mga 50k views na ata tong story ko sa IG yikesss mukhang madaming online ngayon ah. Pagkatapos kong magpost at nagscroll ng kunti ay ibinaba ko na tong phone ko sabay tingin sa paligid, sa labas kung saan itong lugar na halos libutin namin noong ni Dan~ Ay hinto na Rubytlog, hindi na nakakatuwa iyang iniisip mo! Tinatampal ko ang aking mukha ng agawin ni Riri ang atensyon ko. "Are you really sure na dito kana mamamasukan eh pwede namang sa Cebu ka nalang" sabi niya habang ang mga mata'y nakatingin sa harapan, sa daan. " Mas gusto ko dito eh" simpleng sagot ko. " Di mo sure Ruby babe, baka may hidden agenda kapang babayita ka!" hawak pa rin nito ang manobela habang nagsasalita. "Wala naman talaga ah, mas gusto ko lang naman dito magboard para maiba, para naman malaki ang makukuha kong sahod kung sakaling makapasa ako", paliwanag ko. "Okay sabi mo eh", sabi nitong parang hindi naman naniniwala. Hindi kumbinsido ang ining ah, ulitin ko nga. "Eh Riri babe kailangan ko ng malaking halaga ng pera lalo na't kelangan talaga sa bahay, lalo na sa lupaing sinasakahan ni Amang, nagagalit na yung may-ari dahil hindi pa nakakabayad si papa, eh pano makakabayad eh nagkalagnat siAmang kaya yun nagipit sa pera" malungkot kong paliwanag. "s**t di nga!? Totoo!?" maang niyang sambit habang patingin-tingin sa gawi ko. "Oo nga" inis ko siyang tinitigan, itong lintik talaga hindi agad nakukumbinse. "Di nga!?" sambit niya ulit. "Ayy paulit-ulit girl? attitude ka ah tss" naiirita nako dito. " Okay okay wait I'll help you haha deal nayun Ruby babe" masayang bulalas niya kapag kuwan. "Okay" mahinang sagot ko. Eh kasi kapag iniyawan ko pa yun ay mas lalong masaklap ang mangyayari, naunahan pa nga akong magdeal eh, parang siya lang kasi ang dalawang tao sa isang deal partnership, eh wala pa nga akong desisyon nangunguna na and that's one of the characteristics I really liked about her, Mapagbigay. Hindi ko nga alam kung bakit kami nagkamabutihan agad, eh sabi niya lang sa akin noon ' hi couz you're beautiful like me so let's be bestfriends forever' nagulat talaga ako nun, unang pagkikita pa lamang namin iyon dahil lumuwas kami ng Manila para umattend sa 18th birthday party niya which is napakagarbo, eh mayaman naman sila so why not make it grand diba, ang mayaman nga naman. Pero mas nagulat ako noon ng ipinakilala niya ako sa mga friends niya dito like hell they're all rich and classy ni tuhod nga hindi ko maabot kapag nakatabi ko sila, para akong yaya kung ihahantulad lang pero hindi naman nila ako iniba lalo na sa isang lalaki na nagpabago sa buong sarili ko, hahayst Daniel Mitch Sandroe, oo siya yung lalaking dapat ko ng kalimutan pero para atang sira ang utak at puso ko dahil hindi talaga binibitawan at inaalis sa aking sistema ang magagandang features ng lalaking pinapangarap ko na maging akin habang buhay. Naging kami ng 2 months at sa dalawang buwan na iyon ay palagi kaming magkasama tuwing free time, hatid sundo nga ako nun dati eh. Tss ano bayan Ruby Monty!! magsitigil kana!!, sigaw ng ichuserang utak ko. Magse-settlee na sana kami noon pero hindi naman natuloy dahil sa isang kadahilanan at iyon ay ang pagaarrange marriage ng mga magulang nito sa isang babaeng anak ng congressman sa bayan. Nakicool off muna ako noon pero ako nadin ang kusang lumayo at nagtapos sa relasyon namin, kaya nga doon ako sa Cebu nakapagtapos sa kurso kong may kinalaman sa pagiging Hotel Manager, hindi ko kasi matiis na ikakasal na siya sa iba samantalang may taong naiwan na patuloy na nagmamahal sa kanya. Oo I admit it, I'll admit it always na mahal ko parin ang tanging Daniel Mitch Sandroe na minahal ng buong buhay ko, pinipilit ko mang kalimutan siya, yung mga masasayang nangyari samin noon pero hindi ko magawa dahil kahit ipatanggal ko pa itong utak ko ay malabong makalimutan ko talaga ng tuluyan ang tanging lalaking nagpapatibok sa mala bato kong puso. Oo may pagkatibo ako noon kaya nga siya ang dahilan kung bakit naging babae na talaga ako ngayon, natuto akong manamit at magmakeup noong kasama ko pa siya dahil ayaw ko siyang mapahiya kapag kasama niya ako, eh ang gaganda ng mga babae sa school namin noon, Yes we're batchmates so parati kaming nagkikita noon every recess, lunch at vacant time kaya nakasanayan kong maging presentable always, eh ikaw bang may makasamang napakalinis na lalaki. "You miss him?" biglang sumeryoso tong katabi ko. "No" I just wanna kiss and hug him senseless! Gusto ko sanang idagdag yun sa sasabihin ko kaso baka isipin niyang manyak na manyak talaga ako kay Daniel. eh sa totoo naman! Hayyst utak nga naman, may sarili talagang pagiisip. "May mga listahan nako diyan ng mga companyang sikat dito sa atin kaya pumili ka ng maayos diyan" she handed me the folder while her eyes are on the streets. "Yes po". I'm really thankful to have this Riri babe behind me, mula noon hanggang ngayon ito talaga ang parating kasama ko, we were siblings in our own pero minsan suwail talaga tong si insan. "Tinggan mo muna yung number 1 sa listahan" pasulyap-sulyap niyang tingin sa akin habang nakangisi. Pinakli ko yung folder at nakita ko doon ang nasa listahan. Sandroe Home Industry. Sandroe.... "hell no don't think of that thing again", mahina kong sita sa aking sarili ngunit parang wala lamang itong silbi sapagkat kahit pumikit ako at matulog, nariyan parin ito sa isipan ko. Goodness gracious! stop it Ruby!! "Sa number 2 nalang ako mag-uumpisa", pasya ko bago matulog, malayo pa kasi ang paroroonan namin. —*MG*—
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD