Napatingin lang si Tyron sa akin na napakamot sa kanyang noo. “Totoo bang sa’yo ang larawang iyan? Siya si Mitoy, kilala mo ba ang nasa larawang iyan? Ako ang babaeng kasama niya!” lakas loob kung pakilala dito. Napangisi lang ito na tilang naaliw pa sa reaksyon ko habang nakatunghay pa rin sa hawak niyang larawan. “Let’s go! Mamasyal tayo alam ko naikot mo na ang buong lugar dito kaya ikaw naman ang gawin kung tour guide!” paiwas niyang sabi at sabay tumalikod. “Tyron, ano ba huwag mo ako iwasan ang gusto ko lang naman malaman kung kilala mo ang nasa larawan?” Tumingin lang ito saglit at tumalikod na palabas ng pintuan. Nanatili akong nakaupo doon at nag-iisip. “Uupo ka lang ba diyan, ayaw mo ako samahan? “Ikaw na lang wala na akong gana, babalikan ko na lang si Mama!” at padabo

