“Bakit hindi ka sumunod sa opisina ko!” isang malakas na sigaw sa telepono ang aking narinig. Napakamot ako sa aking noo, kung tinalikuran ka ba naman kanina pagkatapos ng pangyayari sa loob ng elevator iisipin mo pang sundan siya, siyempre hindi di ba? “Akala ko kasi hindi na kailangan pa galit ka din naman bakit pa kita sundan doon!” “We need to talk!” may kalakasan ang boses nito. Pero maya’t maya pa tilang may boses akong naririnig na nagsasalita hanggang sa naputol ang tawag. Kung hindi ako nagkakamali boses ni Cheska iyon. Naiinis akong tinahak ang daan papunta sa opisina ni Tyron once and for all gusto ko rin maliwanagan ang lahat. Kung ano ba talaga ang pag-uusapan namin. Nasa pintuan na ako pero nakikiramdam muna ako bago pinihit ang pinto at pumasok. Halos itinuos ako sa aki

