Hindi pa inabot ng sampung minuto dumating na nga ang sinasabi ng lalaki. Isang delivery rider daw ang nag-deliver at ipinaakyat lang sa floor namin. “Feeling concern din pala sa’yo ha!” pabiro ni Mariz “Kainin mo na at magpapabili na lang ako ng pagkain ko! Mahirap na baka may gayuma pa iyan! “And? Para ako ang gagayumahin ganoon ba? Swerte mo kaya!” Minsan naiinis ako sa aking sarili dahil kahit ako hindi ko rin mauunawaan kong ano ba talaga ang nais ko na mangyari sa buhay ko. Basta ang alam ko lang ang sakit ng dibdib ko pagkatapos makita kong may kasamang ibang babae si Mitoy ko. Noong hindi ko pa alam ang tungkol dito naging normal lang sa akin ang lahat. I can control myself every time nagpapakita ng sweetness si Tyron pero tilang umiba ang takbo ngayon. “Oh, hayan tulala ka

