Chapter 69 CLARISSE’S POV “Travis,” iyan na lang ang nasambit ko na tumitig sa mga mata niyang puno ng galit. Nanginig na ang laman ko na hawak-hawak niya pa rin ang kamay ng lalaki na gusto akong saktan. Ewan ko ba, naramdaman ko na naman muli ang matinding takot lalo sa tuwing nakikita ko na masama ang timpla ng mukha niya. “Sino ka ba?” singhal na pabalik ng lalaki na maraming tattoo sa katawan na hindi niya nagustuhan ang pag pigil sa kanya ni Travis. “Bakit ka ba nangingialam? Tangina!” malakas na asik nito at nabigla na lang ako nlsa sunod na ginawa ni Travis nang malakas niyang sinuntok ang lalaki sa mukha kaya’t napa atras ito ng isang hakbang sa lakas ng impact. Hindi lamang isang suntok ang ginawa ni Travis kundi dalawang beses, na mapa-ungol na lang ang lalaki sa sakit. Pan

