Chapter 68 CLARISSE’S POV Matapos naming mamasyal ng ilang minuto sa La Trinidad Strawberry Farm, tumungo na kami sa Cathedral of Our Lady of Atonement, pinakamalaking simbahan iyon sa Benguet. Hindi na doon nawala ang pagkuha ko ng litrato sa mga magagandang view sa bawat sulok ng lugar. Kagaya ni Ate, nag enjoy talaga kami nang husto sa paglilibot at pag punta saan-saan. Sinulit talaga namin ang papamasyal namin doon at bago umalis nag iwan kami ng sindi ng kandila at dasal na rin sa Simbahan. Pagkatapos naman, kumain muna kami ng lunch sa restaurant at pag katapos nag gayak na naman kami para pumunta sa susunod na lokasyon, na ilang minuto lang ang byahe at nakarating na kami sa Valley of color. Dito talaga ako namangha nang husto dahil parang patong-patong na mga kabahayan na mayr

