CHAPTER 60 CLARISSE’S POV Kanina pa ako hindi mapakali at ilang beses na napa buntong-hininga habang mag isang naghihintay sa silid sa pagbabalik ni Travis. Mahigit mag kinse minutos na akong naghihintay sa silid, sa kinse minutos na iyon hindi ako mapakali at mapanatag. Paano na lang kong nag away silang dalawa ni Donya Soledad? Paano kong malala ang sagutan nilang dalawa? Paano na ito? Bumuntong-hiningga na lang ako ng malalim, at napukaw na lang ang malalim na iniisip ko na marinig ang pag bukas-sara ng pintuan. Kaagad naman akong napa lingon sa pinto at para naman akong nabunutan ng tinik sa aking dibdib na makita si Travis. Walang emosyon sa kanyang mga mata at nababasa ko kaagad, na hindi maganda ang naging usapan nila ni Donya Soledad na kina bahala ko pa lalo. Dali-dali a

