CHAPTER 51 CLARISSE’S POV Pasado alas kwatro ng hapon bumaba na ako sa unang palapag, naabutan ko ang mga katulong dumadaan sa harapan ko na may pinag kakabahalan. Ang iba naman nag lilinis, ang iba naman may dalang mga babasagin na mga pinggan na dinala nila iyon sa hapag kainan at ang iba naman may dalang magagandang bulaklak. Ang aking titig napako na lang sa mga katulong, nag tataka kong bakit bigla silang naging abala ngayon na normal na araw lang iyon. Dalawang linggo na ang nakaka-lipas simula no’ng matapos ang School year kaya’t bakasyon na namin. Sinusulit ko talaga ang dalawang buwan na bakasyon sa pag papahingga at pag gawa ng bagay na gusto ko kagaya ng pamamasyal kasama si Faye,kung minsan naman dinadalaw ko rin ang mga magulang ko sa bahay. Hanggang sa aking pag lilibot

