25 MRS. VILLAFORTE POV Malalim na ang gabi at pababa na sa unang palapag si Mrs. Villaforte, bihis na bihis na nabalutan ng kumikinang na mga alahas ang katawan neto. Sakto naman pag baba niya sa unang palapag ang katahimikan ng malaki niyang bahay ang unang bumunggad sakanya at katulong na abala sa kanilang ginagawa. Pinag dikit ni Mrs. Villa forte ang kanyang palad at sakto naman na bagong dating ang kanyang asawa. Mabibigat na kaagad ang yabag ng paa nito papasok pa lang sa kanilang bahay at mukhang hindi na kaagad maganda ang timpla ng mood, pinag sawalang bahala na lang iyon ni Mrs. Villaforte dahil sanay na rin siya sa medyo masungit na ugali neto. “Manang, paki handa ng mainit na tsa-a ang aking asawa.” Magalang na utos ni Mrs. Villaforte na nilapitan ang katulong na kasaluku

