Chapter 19 CLARISSE'S POV "Nakalimutan mo na ba?" Tila nang aakit na tinig nito na kusa ng nanigas ang aking katawan. "Iyong kanina, na ginawa natin. Baka pwede na natin ituloy. Wala na si Mang Tomas at wala ng mag iistobro pa sa atin." Sumilay ang kapilyuhan sa kanyang labi, na pinag pawisan na ako ng malala. Shit. Tulungan niyo ako. "A-Ano kasi." Peste naman Clarisse oh, bakit ka ba nauutal lagi. "Wala naman kasi iyon kanina. Kaya paraanin mo na ako at kailangan ko pang malig——" hindi ko na natapos pa ang anumang sasabihin ko na humawak na si Travis sa baba ko. Nanalaytay ang boltahe ng init sa simpleng pag hawak niya roon at dahan-dahan niyang inanggat na nag kapantay kami ng titig na dalawa ni Travis. Para akong tanga na naka tingin lang sa guwapo niyang mukha na hinihigop na nap

