Chapter 52 CLARISSES’S POV Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito na lang kalakas ang pintig ng puso ko na nasa harapan ko ang Mama ni Travis. Hindi ako naka-ligtas sa matalim niyang paraan na titig sa akin na inoobserbahan niya ako mula ulo hanggang paa na animo’y kinikilatis niya ako. Naka-kunot ang kanyang noo at mukhang seryoso na para bang hindi siya iyong tipong tao na kayang biruin. Nanlamig na ang palad ko, ramdam ko na rin ang pamamawis ko at may kaba akong naramdaman lalo’t ito ang unang pag kakataon na makita ko siya. Simula no’ng kinasal kami ni Travis, hindi dumalaw at bumisita ang kanyang Mama kahit isang beses man lang, na nakita ko lang siya sa litrato sa portrait dito sa Mansyon. Gusto ko siyang lapitan. Gusto ko siyang batiin pero para bang umatras na lang ang dila

