ADONIS Nakatayo lang ako doon sa pinto ng presidential suite ko at tila hindi malaman ang gagawin. Napapakamot na lang ako ng ulo. Nagrequest ako ng susi pero ang alam nga ng mga tao ay patay na ako kaya dumiretso ako kay Luis na manager ng hotel. “Sige na, kailangan ko lang mabuksan yung suite ko, ako naman ‘to Luis eh, private property ko ang suite na iyon.” paliwanag at pakiusap ko kay Luis. “Sir… hindi ba talaga ako namamalik-mata? ikaw ba talaga yan?” tanong niya kung kaya't tinanggal ko ang suot kong baseball cap at mask na mas lalo niyang ikinagulat. “Buhay nga kayo! naku salamat naman at buhay kayo Sir Adonis! meron po kaming malaking problema dito sa hotel dahil hanggang ngayon ay nawawala pa rin po si Sir Wade at si Ms. Rosenda ang namamahala sa hotel.” “Kapag may bali

