ATASHA
Matapos kaming ayusan ng umagang iyon ay pinasakay na nila kami ng sasakyan upang ihatid sa Mansyon ng mga Salcedo.
Doon na rin gaganapin ang kasal nila mommy kung kaya't hindi na kami nag-aksaya pa ng oras.
Nauna na doon ang mga gamit namin dahil sa utos ni Mr. Salcedo. Talaga ngang mayaman ang lalaking ngayo’y nabingwit ni mommy.
Napatingin ako sa karatula habang papasok kami doon.
“Casa Salcedo…” sambit ko sa aking sarili ngunit narinig iyon ni mommy.
“Ang ganda, ano? dito na tayo titira simula ngayon!”
Bigla akong napa-isip.
Makakahanap din kaya ako ng ganitong klaseng lalaki?
Simula palang ng bata ako ay pinangarap ko na ang lalaking katulad ng daddy ko dahil mahal na mahal niya si mommy ngunit… darating pa kaya ang pagkakataong iyon sa buhay ko na mamahalin at tatanggapin ako ng isang lalaki?
“Atasha! bilisan mo! ano pa’t nakatunganga ka dyan?! halika na!” angil ni mommy at tila hinihintay akong bumaba ng kotse kung kaya’t bumaba na ako.
Napanganga ulit ako sa ganda. Mayabong ang mga puno at may mga makukulay rin na mga bulaklak na nasa hardin. Ito ang bumubuhay sa buong paligid. Luntian, presko at talagang napakalawak ng lugar na iyon. Malaki rin ang kulay puting Mansyon. Modern style ang Mansyon na iyon at ang pader ay yari sa whole glass kung kaya’t kitang-kita ang loob nito.
Abala na ang lahat para sa gaganaping kasal.
Dumiretso na si mommy sa may entrance at inabot na rin sa kanya ng mga staff na naroon ang bouquet na gagamitin niya. Magsisimula na kaagad ang wedding ceremony kung kaya’t umupo lang ako sa gilid.
Maraming bisita ngunit hindi namin kilala ang mga iyon. Mukhang ang lahat ng bisita ay pawang kaibigan at kakilala ni Mr. Salcedo.
Pumwesto na ang lahat. Tumugtog ang kantang Forevermore ng Side A at dahan-dahang naglakad si mommy sa isle. Napakaganda pa rin niya kung tutuusin.
Nakatuon sa kanya ang buong pansin ng lahat. Napakagarbo kasi ng suot niyang wedding gown at talagang mahaba iyon.
Ngunit nang malapit na siya sa altar ay nagulat ako sa aking nakita at nanlaki pa ang aking mga mata. Halos malaglag pa ang panga ko dahil sa labis na pagkagulat.
“Da-daddy Adonis?!”
Siya si Mr. Salcedo?
This can’t be happening! Did I just have s*x with my soon-to-be stepfather?
Malinaw na malinaw na siya ang kaniig ko kagabi!
*Flashback*
Nasa loob na ako ng malaking gift box at iniinom ang alak na hinaluan ni mommy ng aphrodisiac.
“Atasha! Okay ka na ba dyan?! Kaya mo na?!” tanong sa akin ni Ava. Isa siya sa mga kasamahan kong call girl ngayong gabi.
“Umalis na ang mommy mo! Tama na yan! Baka mapano ka pa!” saad naman ni Erich na kasamahan din namin at inagaw sa akin ang bote ng alak na may lamang aphrodisiac.
Nakaupo na ako sa loob ng giftbox. Ang suot ko ay isang kulay puting tube cocktail dress at maliit na wedding veil sa ulo. Stag party kasi ang raket namin ngayon kung kaya’t kailangan ay ganap na ganap. Nakasuot din ako ng silver stilettos upang bumagay sa suot kong dress habang si Ava at Erich naman ay casual sexy dress ang suot.
Maya-maya ay naririnig ko na ang ingay at kantyawan ng grupo ng mga lalaki sa VIP room. Nasa magkabilang gilid ko si Ava at Erich. Dala-dala nila ang malaking gift box kung saan naroon ako ngayon at tila hinihila dahil may gulong iyon sa ilalim.
Inayos ko ang sarili ko at hinawakan ang isang bouquet ng bulaklak. Ang trabaho namin ay magsayaw lang ngayong gabi kaya dapat ay makauwi kaming tatlo ng maayos at buo.
“Ayan na, pare! Whoohoo!” sigaw ng isa sa mga lalaking nandoon.
Pagbukas na pagbukas ni Ava at Erich ng box ay kaagad akong tumayo at inihagis ang bouquet ng bulaklak sa kanila.
Mas lalong lumakas ang hiyawan at kantyawan. Lima silang lalaki roon ngunit natakot kaming tatlo dahil hindi namin inaasahan na matatandang mayayaman ang naroon. Kung tatantiyahin ay nasa edad 40’s na sila.
Ang akala naming tatlo ay mga ka-edaran lang namin halos at mga nasa 20’s at 30’s ngunit nagkamali kami.
Gusto pa rin pala ng mga 40’s ng mga ganitong klase ng kasiyahan.
Although hindi sila mukhang mga 40’s dahil sa tikas ng pangangatawan at ka-guwapuhang taglay ay hindi na nila maitatago ang mga edad nila sa amin.
Sinubukan naming pakalmahin ang mga sarili namin ngunit halos lahat sila ay para kaming kakainin ng buhay. Mga hayok na hayok sa laman ngunit hindi namin ipinahalata na natatakot kami. Kami ang panauhing pandangal sa gabing ito.
“Good evening, boys!” malanding saad ko at kumindat.
Sinimulan na naming magsayaw sa harapan nila sa saliw ng malaswang tugtog.
“Atasha, lapitan mo yung ikakasal, dali! mag lap dance ka sa kanya!” pabulong na utos ni Ava sa akin.
“Sino ba dyan ang ikakasal?!” tanong ko ngunit bulong lang dahil baka marinig kami.
“Ayun oh, yung naka all white na suit and ties!” saad niya sabay nguso sa lalaking ngayon ay nakaupo lang habang ang mga kaibigan niya ay nakatayo at pumapalakpak sa amin. Nakatuon ang buong pansin niya sa akin. Ang mga mata niya ay parang apoy na nag-aalab at tumutupok sa marupok kong damdamin.
Ang gwapo niya at maganda ang katawan! Ang lakas maka-hot daddy! kahit ako ay mapapa “I Do” kapag ako ang inalok nito ng kasal!
Napakaswerte ng babaeng pakakasalan niya!
“Ahh, okay, sige!” saad ko kay Ava at dahan-dahang lumapit.
Hinahaplos ko pa ang legs ko habang papalapit upang mas lalo silang maakit.
Nang makalapit ako ay kaagad akong kumandong sa kanya at nag lap dance.
“Yown! whoohoo! ang sarap!” kantyaw ng isa sa mga kaibigan niya at pumalakpak.
“Para sayo yan, Adonis!” kantyaw pa ng isa.
Adonis pala ang pangalan niya.
Ngumiti lang siya sa mga ito.
“What's your name, Sweetheart?” tanong niya
“Atasha,” sagot ko habang ikinikiskis ang aking p********e sa kanyang p*********i.
Trabaho lang iyon ngunit parang nadadala ako. Pakiramdam ko ay gusto kong makipag s*x sa kanya dahil sa init na nararamdaman ko.
Umepekto na ba ang aphrodisiac na ininom ko kanina? bakit parang ang bilis naman yata?!
“Okay Atasha, how about I triple your pay and stay with me at a nice hotel?”
“Sure, Honey…” mapang-akit na saad ko.
Wala iyon sa plano ngunit nakaramdam ako ng kakaiba sa alok niyang iyon. Isang pakiramdam na para bang gusto niya akong iligtas sa magulo kong mundo.