ADONIS “Ihahatid lang talaga kita pa-uwi, sorry…” saad ko kay Atasha habang nagmamaneho dahil busy talaga ako ngayon. Masyado akong pine-pressure ni Siobeh tungkol sa business deal namin nitong mga nakaraang araw pero sabi niya ay malaking pera daw iyon at legal kaya't sinamahan ko siya. Nagpunta kami sa isang project sa Malate, Manila. Isang napakalaking real estate project iyon. “So you’re a contractor now?” tanong ko sa kanya. Tinanggal naman ni Siobeh ang shades niya at naningkit ang mata na tumingin sa akin. “Alam mo, Adonis, pasalamat ka, sinama pa kita dito. Hindi lang yan ang project ko ngayong buwan.” “At talagang kinareer mo na manloko at manggantso, umabot ka na sa ganito kalaking projects? hindi ka ba makukulong niyan?!” “Adonis, wag kang mag-alala, legal ‘to! and

