ATASHA Matapos ang gabing iyon ay hindi na ako lumabas pa ng kwarto ko. It's been 3 days at dinadalhan lang ako ni ate Lina ng pagkain. Sa umagahan, tanghalian at hapunan. Wala rin akong balita sa pinag-gagagawa ni mommy. Masyado rin naman siyang busy para isipin pa ako. Alam kong may kapatid si daddy sa labas bukod kay tita Abbigael at iyon nga ay si Anthony Montenegro pero hindi ko pa siya nakita sa tanang buhay ko, hanggang sa ipinagtapat sa akin ni Michael ang katotohanan ngayon. Matagal na rin siyang hinahanap ni daddy ngunit hindi sila nagkaroon ng tiyansang magkita bago namatay si daddy. Kinuha ko ang picture frame ni daddy na itinago ko pati na rin ang ibinigay niyang locket necklace sa akin noong 18th birthday ko. Muli kong sinuot iyon. Sa loob ng locket ay may lamang malii

