ATASHA Naalimpungatan ako ng alas kwatro ng madaling araw kung kaya't lumabas na ako sa kwarto ni daddy Adonis at bumalik sa kwarto ko at doon natulog. Nagising ako ng eksaktong alas otso ng umaga kung kaya't nagbihis na ako dahil may klase ako ng 10:00 a.m. Hindi pa rin bumabalik si mommy. Wala ng bago doon, ganyan siya lagi. Nag-almusal ako ng matiwasay at saka umalis. Hinatid ako ni Michael at ganoon pa rin kaming dalawa. Hindi nagkikibuan ngunit hindi ko makalimutan ang ginawa nilang kababuyan ni mommy sa kwarto ni daddy Adonis. “Talagang balak mo bang patagalin ang relasyon ninyo ni Adonis?” tanong niya. “Ano bang pakialam mo? eh kayo ni mommy? balak niyo bang patagalin ang relasyon ninyo?” ibinalik ko sa kanya ang tanong dahil sa inis ko. Nanghihimasok na kasi siya sa bu

