ATASHA Nang magising kami ni daddy Adonis ay alas diyes na ng umaga. Kaagad akong napabangon at sumunod rin siya. Sabay na kaming naligo at nagmadaling magbihis. Nang matapos si daddy Adonis sa pagsasapatos ay saktong tapos na rin ako kung kaya’t bumaba na kami at lumabas. Marami na agad tao sa Mall nang mapadaan kami. Nag elevator na kami pababa sa may parking lot at kaagad akong sumampa sa passenger seat at nagmaneho na agad si daddy. Maya-maya ay nag ring ang cellphone niya kung kaya’t sinagot niya kaagad. “Hello Cynthia, oh, bakit ka umiiyak?! nasaan ka?! Ano?! Oh sige, sige, papunta na ako dyan!” “Daddy, ano pong nangyari kay mommy?!” tanong ko kaagad dahil mukhang may nangyaring hindi maganda. “Ihahatid muna kita pa-uwi, Atasha, tapos saka ko pupuntahan si Cynthia.” saad

