ATASHA Matapos ang first day of school ko akala ko ay si Daddy Adonis ang susundo sa akin ngunit may mahalaga daw siyang gagawin at tumawag lang kung kaya't pinasundo niya ako kay Michael. Last time, hindi kami masyadong nakapag-usap at binalaan niya lang ako tungkol kay daddy Adonis. Matalim ang tingin ko sa kanya habang nasa backseat ako. Napansin niya iyon nang mapatingin siya sa salamin ng kotse sa harap. “Bakit ganyan ka kung makatingin?” kalmadong tanong niya. “Wala naman, iniisip ko lang kung anong ibig mong sabihin sa mag-ingat ako kay Daddy Adonis.” “Aba, ikaw na nga itong binabalaan na mag-ingat, minamasama mo pa ngayon?” “Michael, baka nakakalimutan mo, boss mo siya. Hindi ba’t kawalan ng respeto yan?” Sarkastiko siyang ngumiti sa akin, “Kawalan ng respeto? Hindi b

