ATASHA Nang makita ako ni Daddy Adonis ay tumayo siya, ngunit pinigilan siya ng isa sa mga lalaki doon at ipinakita nito kay daddy na may dala siyang baril kung kaya't napatingin sa akin si daddy ng masama. Gusto niya akong puntahan at kunin dito ngunit may pumigil sa kanya. “Sayaw na, Sweetheart.” saad pa ng isang lalaki na kanina pa ay humihikayat sa akin kung kaya't ipinagpatuloy ko ang pagsasayaw. Tila may pinag-uusapang importante si daddy Adonis at ang kasama niya. Mukhang ang ka-transact ni mommy ay ang lalaking kaharap ni daddy at nag-uusap sila tungkol sa akin at nakikipagnegosasyon. Maya-maya ay bigla akong tinawag ng lalaking kausap ni Daddy Adonis. “Hey you, come over here, darling!” saad nito kung kaya't huminto ako sa pagsayaw at nagdire-diretsong lumakad sa direks

