ATASHA FUSION PARADISE BAR Nang makarating kami doon ay nagserve kaagad sa amin ni Rosenda ng drinks ang bartender. Ininom ko iyon at masarap siya! parang juice lang! “Oh, ang sarap diba?” tanong sa akin ni Rosenda. Tumango ako sa kanya at malapad na ngumiti. “Cheers! para sa mga forbidden love affair natin!” saad niya at nag cheers kami ng baso. Hindi naman siya gaanong naririnig kasi maraming tao doon at maingay sa bar niya dahil sa malakas na music. “Grabe, ano? paano mo naitayo itong ganito ka-ganda at kalaking bar?” tanong ko na luminga-linga sa paligid dahil sobrang ganda talaga doon! Parang high class bar iyon sa abroad! “Hindi lang naman ako ang nagtayo nito, remember, may kasosyo ako! ang bestfriend kong si Acee. Hindi pa kasi siya dumarating eh pero pagdating niy

