[Five]
'Chase your dream first, and stop wasting your time waiting and hoping for someone.'
Together with what I have seen the last time and this statement from my brother, I've learned to control my feelings for Jared.
I still care, and my heart is still hoping pero unti-unti ko ng natatanggap na baka nga hanggang sana na lang ako. It's difficult actually, but I have to brace myself, because in this one sided love story we have, ako ang lugi dahil ako ang nahulog.
Jared and I are still close with each other just like before. Pero minsan ay gumagawa ako ng paraan para maiwasan siya.
He and Elaine became close, that's what I've heard from Juros. Hindi ako siguro kung totoo ba talaga o sinabi lang ito ni Juros para patayin ang katiting na pag-asa sa puso ko. Ewan... But even if Jared is now close to Elaine, he never forget me. He would always spent time with me, and visit me in our house. I do not actually know why he is doing this one to me. I know we're best friends pero kasi, dahil sa ginagawa niya ay nabubuhay muli ang pag-asang binabaon ko na sana sa hukay.
"Marie? Matagal ka pa ba riyan? Gutom na raw sina Kuya Juros. Nagrereklamo na rin si Francois!" sabi ni Macy Jane habang katok-katok ang pintuan ko.
With my halter top mint green blouse, and white skinny jeans paired with a nude colored sandal ay binuksan ko ang pintuan para maharap na si Macy Jane na ngayon ay naka-polca dots na dress pa.
"Kung hindi dahil sa pakulo nilang pictorial kanina pa sana tayo nakakain," sabi ko.
Tumango naman siya sa akin. Kumabit pa siya sa braso ko saka kami bumaba.
"I will really miss you, Marie. Mag-Skype tayo araw-araw, ah?" sabi ni Macy Jane kaya natawa ako.
"Sure thing. Saka hindi naman talaga ako titira roon ng matagal. Mga ilang taon lang naman, grabe ka."
Tinawa na lang namin ang sinabi ko hanggang sa marating namin ang kusina kung saan nakita ko ang mga pinsan ko, si Mommy, si Kuya, and even Jared. Bihis na bihis silang lahat dahil sa pakulo ni Juros na pictorial bago raw ako umalis.
Lumapit naman sa akin si Jared na may hawak na bouquet of sunflowers. Nakangiti siya sa akin at ang mga mata niya ay kumikislap sa kagalakang hindi ko alam kung para saan.
"Congratulations," sabi niya sabay abot sa bulaklak. Tinanggap ko naman ito at saka nginitian siya. Ang sunod niyang ginawa ay ang paghalik sa boo ko na siyang ikinairap ni Juros. Ngumisi naman si Ate Karyl, habang si Kuya Miko ay nakataas ang kilay sa akin.
Nagtataka lang ako. Jared congratulated me, para saan ba?
"Kain na tayo," sabi ni Mommy sa lahat matapos naming makapagpictorial.
Si Jared naman ang siyang naglagay ng pagkain sa pinggan ko. Masaya kaming kumain lahat ng hapunan sa hapag, hanggang sa matapos at magkayayaan ang lahat na mag-inuman. Ayos lang naman kay Mommy basta huwag lang daw kaming magpapasobra.
"Shot, Marie," Kuya Francois sabay abot ng baso sa akin.
Pang-limang shot ko na ito ngayon at medyo nahihilo na ako dahil hindi naman ako sanay na uminom.
"Last shot mo na iyan, please. You'll get drunk." Parang may nabuhay sa loob-loob ko nang sabihin iyon ni Jared sa akin. Magkatabi lang kasi kami ngayon at sobrang lapit naming dalawa.
"Jared is right, Marie. Baka ma-late ka pa sa flight mo kapag nalasing ka," Kuya Francois said with concern.
Naramdaman ko namang natigilan ang katabi ko.
"Pardon, Franc. Flight? What do you mean by that?" naguguluhang tanong ni Jared. Nang balingan ko siya ng tingin ay halos lumundag palabas ang puso ko nang makita kong sa akin pala nakapukos ang mata niya at hindi kay kuya Francois.
I'm doomed. Sa kunot ng noo niya at sa tulis ng tingin niya ngayon sa akin ay para niyang sinasabi na I should explain everything now to him.
"Marie is leaving to States tomorrow. Hindi ba niya nabanggit sa iyo? You're her best friend, dapat ikaw ang unang nakaalam." It's ate Karyl.
"Despidida niya ngayon. Akala namin nasabi niya kaya ka nagpunta." It's Macy Jane.
Sa akin lang nakapukos ang tingin ni Jared. Tumiim ang bagang niya at umalab ang mata niya sa emosyong hindi ko matumpok kung ano.
I want to call Juros for help pero nakita kong tumayo siya at umalis.
"Despidida?" kunot noo niyang tanong sa akin. "You're leaving? Why didn't you tell me? I thought ang pagpasa niya sa finals ang ci-ne-lebrate natin?"
Fuck, so that explains why he congratulated me. Wala bang nagsabi sa kanya?
"You're busy with Elaine, Jared, kaya hindi ka ns inabala ni Marie." Kung kailan hindi ko kailangan si Juros ay saka naman siya dumating at sumingit sa usapan.
"I am not busy with Elaine." He glared at Juros who only smirked at him.
"Doon na ako mag-aaral, Jared. Si Papa ang gagastos. Ayos naman kay Kuya at Mama kaya pumayag ako," agaw atensyon kong paliwanag kay Jared na ngayon ay sa akin na nakatoon ang mga mata.
His lips parted. His eyes were telling me something, pero hindi ko na inabala ang sarili kong alamin ang pinapahiwatig nito. Dahil hindi naman na siya nagsalita ay tumayo ako at nagpaalam sa mga pinsan ko na mauuna na akong matutulog dahil maaga pa ako bukas.
Hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ay may humaklit na sa braso ko and, of course, it's Jared and his eyes now are burning like fire.
"Do not harass my cousin, Valdemar," it's a warning from Juros na ngayon ay parang isang Leon na handang sumugod kay Jared kung hihigpitan pa niya ang pagkakahawak sa braso ko. Si Kuya Francois naman ay nakatingin sa amin pero ang sama ng tingin kay Jared, lalo na si Kuya Miko.
Madalas man akong asarin ni Juros ay sa lahat siya ang overprotective sa akin, lalo na sa kambal niyang si Macy Jane.
Marahan namang binaba ni Jared ang kamay niya mula sa braso ko at hinawakan ang kamay ko habang tinitigan ako nang mataman.
"We're just going to talk, Juros. Spare us the moment..."
"Sumigaw ka lang Marie kapag may ginawa siya, kargo kita."
Kinabahan ako dahil sa sinabi ni Juros. Alam niyang umiyak na ako dahil kay Jared, and he warned me that if I will cry again because of Jared hindi siya magkikiming wasakin ang mukha ni Jared.
"It's their matter, Juros. H'wag kang makialam," sabi ni Ate Karyl. And with that ay hinila ako ni Jared patungo sa taas ng bahay.
Kinalas ko ang hawak niya at hinarap siya.
"I'm sorry if I didn't informed you. Akala ko nasabi na nila sayo kaya hindi na rin kita sinabihan."
"So, talagang aalis ka nga?"
Halos gusto King umatras dahil sa tono niya. Galit siya.
Tumango ako.
"Why are you leaving?"
"Nasabi ko na. It's for my education, Jared."
Kinagat niya ang labi niya. He tried to held my hand na hinayaan ko lang.
"Stay, please," he said, almost a whisper.
Ang mga mata niya ay namumungay at nangungusap sa akin.
"I don't have enough reason to stay here, Jared. Isa pa, it's my dream-"
"Ako... Hindi ba ako sapat na rason para manatili ka?" emosyonal niyang sambit. Para namang kinurot ang puso ko dahil sa mga binitawan niyang salita.
He's actually one of my reasons why I am leaving. Hindi ko na kayang umasa pa nang umasa. Masyado ng masakit.
"We can still communicate naman, Jared. At saka nakasurvive naman tayo noon, eh. You even went abroad noon, ayos naman-"
"I felt like l was living in hell because you're far away to me that time, Marie. Kung alam mo lang."
Napakurap-kurap ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Why the hell is he telling me that? For what? To fool me?
"Stop kidding me. Umalis ka rin naman. Just support me, Jared. I want to chase my dreams, don't be so selfish." Gusto kong bawiin ang mga sinabi ko dahil sa nakita kong pag-ukit ng sakit sa mga mata niya. Humigpit pa ngayon ang hawak niya sa kamay ko.
"I'm sorry... I only left because you're still 17 at that time. If I'm not away from you, baka hindi ko kayaning magpigil."
Nalukot ang mukha ko dahil sa mga pinagsasabi niya sa akin.
"What the hell are you saying, Jared?! Nababaliw ka na ba?!" Talagang malakas ang pagkakabitaw ko sa mga salita ko para lang maikubli ang kaba na nadarama ko.
Because of his words my heart and mind are both in chaos. Naguguluhan ako. My heart is telling me that there are hidden messages in his words, pero ang utak ko, pilit kinokontra ang ideyang ito..
"Pagiging selfish ba talaga kung hilingin kong h'wag kang umalis?"
Tumango ako. "Yes. You have Elaine, hindi ka na rin malulungkot—" I paused when I heard him cursing.
"Walang kami."
Bitterness rises immediately in my system. Inirapan ko talaga siya, at tinaliman ng tingin.
"I think you two are item already. I saw how close, and how you stare her intently. I even saw you guys kissing in our garden, Jared!"
"f**k!" he curses loudly at pilit akong hinihila palapit sa kanya but my feet remained strong at hindi man lang nagpadala sa hila niya.
"It's nothing. I pushed her. I don't like her, Marie. We're talking because she's also interested in my online job and —"
I raised my index finger in the air to stop him from talking. "I've heard enough, Jared. Wala akong pakialam kung anong meron sa inyo. I'm still leaving," sabi ko sabay bawi sa kamay ko at tinalikuran siya.
Papihit pa lang ako sa pintuan ko nang magsalita siya.
"Marie, please..."
Bumuntong-hininga ako. "I'm still leaving, Jared. You can't change my mind anymore," sabi ko nang humarap akong muli.
Halos mabuwal na ako sa kinatatayuan nang matagpuan ko ang mga mata niyang nangingilid na dahil sa luha. Lumapit siya sa akin at agad na hinapit ang baywang ko.
Halos takasan na ako ng bait ko dahil sa ginawa niya.
"Baby..."
Putangina!
Nanlaki talaga ng literal ang mga mata ko.
Sa sobrang lapit namin ay hindi ko alam kung saan ako titingin. Sa labi niya ba o sa mga mata niya.
"Hindi ba talagang mapabago ng mga salita ko ang desisyon mo?"
I nodded weakly. "If I'll give you an enough reason, will you stay?"
I smiled weakly at him. "J-Jared," nauutal kong tawag sa kanya. "You can never change—"
I wasn't able to finish my statement when I felt his lips gently brushing mine as his tears slowly rushing down. He pulled my body closer to him and kissed me gently. Sa gulat ko ay napakurap ako at halos malusaw na. Kung hindi niya lang ako hawak ay kanina pa ako lumubog dito dahil sa panggihina ng mgs tuhod ko sa mga mapanuyo niyang halik.
I think I finally lost the last strand of my sanity.
Natagpuan ko na lang ang sarili ko na napakapit sa damit niya at nakapikit na tumutugon sa mga halik niya.
Kapwa kami naghahabol ng hininga nang putulin niya ang halik namin. Hindi ko pa binubuka ang mga mata ko dahil baka nananaginip lang ako ngayon.
"Baby, stay for me please."
Then I felt his lips brushing mine once again.
"I love you... Please, stay," he said between our kisses.
Am I not really dreaming?
To be continued...