Dese sais palang si Bea noon ng nagbakasyon siya sa kanyang lola na magulang ng kanyang ina.
Kakatapos lang nila magtanim ng palay at wala masyado gagawin kaya sumama siya sa lola niya ng binisita sila nito.
Ilang taon din na halos di na niya maramdaman ang kanyang pagdadalaga dahil nakatuon ang atensyon niya sa kong paano matulungan ang kanyang ina na itaguyod ang mga kapatid!
Malayo layo ang lola niya mga walong bayan mula sa kanila.
At nasa buluhundukin na iyon kaya iba ang nkagawian ng mga tao.
Mais giniling halos ang bigas na sinasaing at ang iba ay kamuting kahoy o saging lang, iba sa pamumuhay nila. Kahit na nasa sulok rin kasi sila ng bayan, mas malapit lang naman sila sa bayan at kapatagan kumpara sa lola niya.
Pero naging masaya ang bakasyon niyang iyon.. Dahil doon naranasan niyang haranahin!!
Dahil kaugalian doon lalot may dalagang bagong salta.
Parang pa welcome yun..
O di kaya pag may aakyat ng ligaw..
Tuwang tuwa si Bea dahil first time niya naransan at ang gwapo pa ng nag harana sa kanya.
Anak ng kilalang tao sa kabilang brgy. Nakita kasi siya nito sa Plaza dahil dinala si Bea ng kanyang Tiyuhin para gawing muse sa lega ng baranggay.
Maganda si Bea, Tama lang ang tangkad.
Balingkinitan ang katawan at kahit morena ay makinis, mahaba at tuwid ang maitim na buhok.
May maipag mamayabang ding hinaharap na kahit sa edad n dese sais ay kita na ang ganda ng katawan.. (Godgifted ika nila)
Kaya di maiwasang maraming magkagusto sa kanya.
Pero dahil nga sa kalagayan nila ayaw niya ng lalaking walang pangarap sa buhay o walang maipagmamalaki dahil para sa kanya katuwang sa buhay ang kailangan niya.
Ngunit doon sa lugar ng lola niya una siya nakaramdam ng kilig at tuwa..
Ng makita niya ang lalaki sa plaza na panay tingin sa kanya ay di niya maintindihan kung bakit nakaramdam siya ng pang iinit ng mukha niya at nahihiya siyang tumingin din dito!!
"Anu to? ito na ba yung love at first sight?" Saisip niya..
Lumapit ito sa kanya at nagpakilala at tinanong siya kong saan siya nakatira. Sinabi na man niya ang bahay ng lola niya at sinabi niyang nagbakasyon lang siya dito at sa makalawa uuwi na siya..
Nakitaan ng pagkalungkot ang mukha ng binata pero napangiti ito ng pumayag si Bea na dalawin niya kinabusan.
Kinabukasan ng mag tatakip silim nakarinig si Bea na may tumutogtog ng gitara sa labas ng bahay.
Naalala agad niya ang papa niya na lagi silang kumakanta siya ang taga gitara, papa niya kumakanta.
Minsan sasayawan pa niya..
"Apo abay may nanghaharana yata sayo aa labas". Tawag ng kanyang lola na nasa balkunahe na at tinitingnan kong sino ang naroon sa labas ng bakuran.
"Ho' sakin ho lola?" gulat na tanung niya!
*Abay alangan namin sakin di ko na man birthday!"
Pilosopong sagot ng lola niya.
Ganun din kasi sa kanila pag may birthday hina harana pero kadalasan madaling araw yun ginagawa.
"Lumabas kana diyan at dungawin mo anak yata ito ni kagawad sa kabilang baryo."
Pahayg ng kanyang lola kaya lumabas na rin siya.
Unti unti siyang napatingin sa lalaki naka polo ito ng kulay mapusyaw na asul at naka maong ng kulay dark blue "nakasapatos pa talaga eh nasa bundok lang naman kami nakapaka pormal naman" saisip niya.
(Harana) by:Parokya ni Edgar
Uso paba ang harana
Marahil ikaw ay nagtataka,
Sinu ba tong mukhang gago,
Na nagkakandarapa sa pagkanta at nasisintunado sa kaba.
Mayron pang dalang mga rosas
Suot namay maong na kupas
At nariyan pa ang barkada
Naka polo't nakabarong
Sa awiting minus one at sing along
Puno ang langit ng bituin
At Kay lamig pa ng hangin
Sayong tingin akoy nababaliw
Giliw, at sa awitin kong ito,
Sanay maibigan mo,
Ibubuhos ko ang buong puso ko,,
Sa isang munting harana para sayo..
Tuwang tuwa si Bea at kilig na kilig sa kantang Harana na kinanta ng binatang dumalaw sa kanya.
Pero huling gabi na niya iyon doon dahil bukas uuwi na siya. Kaya nanghinayang siya, pero okay lang atleast unforgetable moment niya yun at kahit kaylan ay hindi niya yun makakalimutan lalo na ang taong nag alay sa kanya ng kanta.
Nag usap pa sila pagkatapos na pinatuloy ng kanyang lola ang kanyang bisita.
"Bukas na pala ang uwi monsa inyo Bea?" tanung ng lalaki..
"Oo' eh nangakao kasi ako kay mama na isang linggo lang ako at saka sigurado kailangan narin naming asikasuhin ang palayan na kakatanim lang ng palay pag alis ko". Paliwanag pa niya..
" Ah ganon ba ang sipag mo naman Bea hanga ako sayo ang ganda ganda mo pero nagtatrabaho ka sa bukid. Naikwento ka ng pinsan ko ng nakita ka namin sa plaza taga rito kasi sa baryo ng lola mo ang pinsan ko, sabi niya nakita ka daw niyang tumutulong sa lolo mo naglalagay ng pataba sa mais kaya napahanga ako sayo kasi hindi ka lang maganda masipag ka din at hindi maarti."
Mahabang papuri ng lalaki.
"Kapag nag pasukan na baka sa bayan ako sa baba ng bundok mag koleheyo malapit ba yun sa inyo?"
Tanong nito..
" Ay hindi eh malayo pa yun samin mga apat n bayan pa."
" Ganon ba sege lang hayaan mot baka magkita din tayo." Dagdag ng lalaki bago ito nagpaalam na umuwi.
Masaya si Bea pagkatapos ng tagpong iyon at nkatulugan niyang nakangiti. Babaonin niya sa pag uwi ang karanasang iyon at nangako siya na babalik siya sa lugar na yon at babalikan niya yung taong nagharana sa kanya na may dalang bulaklak ng sampaguita..
Ngunit di niya alam yun na pala ang kanyang Huling Harana!!!