Meeting a new Man

1579 Words
Nang umalis ako sa lugar namin, di pa ako tuluyang lumayo, nasa lungsod lang ako noona at nagtrabaho muna ako sa isang restaurant bilang isang kitchen staff, nakapasok ako sa tulong ng kaibigan kong waitress. Hanggang sa sinubukan kong mag apply sa mall bilang isang promo ng mga ladies pants. Dahil sa tamang tangkad ko at balingkinitang katawan ay agad akong natanggap. Hindi alam nila mama na nasa malapit lang ako, ang alam nila pumunta akong maynila. Sa loob ng anim na buwan ay nag ipon ako ng pera para makalayo huling buwan ko na aa mall ng makilala ko si Kaito Motsamai Sorcktsach isang half japanese at half Canadian lumaki sa Japan at nagmamay ari ng isang japan  surplus sa cebu. Pumunta siyang Butuan dahil may tiningnan siyang pwesto na pweding patayuan ng panibagong branch ng kanyang negosyo. Napadaan sya noon sa mall. Sa unang tingin hindi mo aakalaing  may dugo siyang hapon lalo na pag nagsalita siya dahil straight siya mag english at marunong siya mag tagalog! 5 yrs na pala siya dito sa Pilipinas at sa Cebu namalagi at nag negosyo. Break time ko noon 1pm to 2pm at mag lalunch palang ako. Pag pupunta kang canteen galing sa ladies section ay madadaanan mo ang Men's section at doon kami nagtagpo ni Kaito. Sa ganoong uras halos konti ang natitirang sales lady kasi 11-12 at 1-2 ang break time para sa lunch. Kong 9am ka nag in 11-12 ang break mo at dahil ako 11am nag in 1-2pm na nag break. Nagmamadali kaming pumunta sa canteen kasama si Michelle ang kapwa ko promo girl sa pants pero ibang brand. "Exuse me miss' can i have the size 31 of this one? " Agaw atensiyon niya habang my bitbit na pantalong pang lalaki, luminga linga ako para tingnan kong may sales lady sa malapit at mayron nga kaso myron ding iniintertain na costumer. Tumigil nalang ako sa paglalakad pati si Mich dahil di namin pweding talikuran ang costumer nasa orientatiom namin yan, na pag may costumer na kailangan ng tulong kahit hindi na sakop ng duties mo daapt gawan mong paraan na ma assit, either humanap ka ng kapwa mo sales lady na doon naka assign o ikaw na mismo kong wala. "Yes sir can i have that one please, let me check the brand". Sagot ko ng mahalata kong ibang lahi siya dahil sa kasingkitan ng kanyan mata matangos ang ilong, brown eyes, maputi at my my katangkaran, mga 5'11" siguro. "Here' please..." inabot niya sakin ang pants sabay ngiti. Ngiting nakakaakit na tila ba nanunuyo ang kanyang mga mata. Ngunit diko binigyan atensyon yun gutom na ako kaya agad kong hinanap ang size na hinihingi niya sakin at nakita ko yun sa pinakaibaba, at naka plastic pa. "Here sir" abot ko sa kanya sabay lingon kay mich at senenyasan kong mauna na. Tumango naman siya at dumeretso na rin kasi kanina pa yun nagrereklamo na gutom na. Kinuha ng costumer ang pantalon at tiningnan.. "You want to try sir' i can guide you to the fitting room." alok ko pero saktong lumapit na rin saamin ang nakaasign na sales lady sa section na yon dahil tapos na siya doon sa costumer na kaharap niya kanina. "Sis thank you huh' ako lang kasi mag isa dito, nagbreak sila," ng mapansin niyang my nkasabit ding ID sakin na my nakalagay Break time. "Hala ka break mo baka maubusan ka ng oras niyan, di ka makakain Sege na ako na dito, salamat talaga." Napatingin si Kaito sa suot kong ID at nakitaan kong mukhang binabasa niya ang pangalan ko, bago nagsalita. "So you mean miss she's in break for lunch?" tanong niya sa sales lady na kakalapit lang samin. "Yes sir', that's why i ask her to go to canteen before her time end and i'll be the one to assist you if it's okay to you?" tanong ng sales lady. Tumingin sakin si Kaito ng nkangiti. "Thank you miss' you may go, its late for your lunch. Sorry for interrupting," dagdag pa niya sabay nag bow. Nag bow narin ako at umalis na.. ng nka ilang hakbang na ako ay nagsalita ulit siya; "See you later". Napalingon ako na medyo may pagtataka pero ngiti nalang ang ginanti ko. "Anung see you later? Bakit balak niya akong hintayin doon at bakit? ay ewan!" sabi ko saking sarili habang naglalakad at tuluyan ng mkapasok ng canteen. Nakita ko naman si Mich na kumakain na, tiningnan ko ang aking relo sa braso at 1:35 na my 25 mins pa ako. Kya dali dali na akong umorder ng pagkain sa canteen at lumapit sa pwesto ni Mich na my bakanti. Ng makabalik ako sa pwesto ko ay siya namang lapit ng supervisor namin. "Bea pagkatapos ng duty mo mamaya pumunta ka sa costumer service." "Po bakit po?" gulat na nagtatakang tanong ko, nakaramdam tuloy ako ng kaba, baka may nagreklamong costumer, pero wala naman akong natarayang costumer oh ano', kasi ganon minsan pag may costumer lalo na yung mga lalaki na mukhang nambabastos kahit costumer is always right ay diko hinahayaan. But thanks God sa mag lilimang buwan ko dito bilang contractual at matatapos na ang contract ko, e wala pa namang nag reklamo sakin! "Basta pumunta ka nalang pagka off duty mo." sabi niya at tumalikod na. Natapos ang maghapon na bumabalik balik sa isip ko ang katanungan kong bakit ako pinapatawag hanggang sa nag off na nga ako. Agad akong nag time out bago pumunta ng costumer service. "Good evening Maa'm, ako po yong nakaasign sa womens section ng Jaguar pants." Bungad ko sa babaeng nakaupo sa costumer's disk. Tiningnan niya ang ID ko bago tumingin sa computer sa harap niya at nagsalita. "Congratulation Miss: Rosales' ikatatlong beses ng nakatanggap ka ng complement mula sa costumers kaya mkakatanggap ka ng award as a best employee of the month, bukas ng umaga maaga kag mag In at ibibigay ko ang certification mo!" masayang bati ng babae sa disk. " Talaga po ma'am thank you po". " Wag ka sakin magpasalamat, sa sarili mo dahil ginagawa mo ng tama at maayos ang trabaho mo kaya nabibigyan kang papuri ng mga costumer's at yan ang hinanahanap na empleyado ng kompanya way to para maging regular ka",dagdag pa niya, "o sege na umuwi ka na at pumasok kang maaga bukas". " Yes' po, thank you po". Sabay yuko ko sa harap niya at masayang umalis. Kinabukasan maaga nga akong nagising at pumasok, excited ba naman ako sa award na matatanggap ko! Pagkatapos kong mag time-in ay nagpunta na agad ako sa Costumer service at habang papalapit ako ay may mangilan ngilan ng mga kapwa ko Promo, sales lady at sales boy ang nakatingin sakin ang iba nakangiti at mayrong iniirapan lang ako! "Bakit naman kaya nila ako tinitingnan?" tanong ko sa sarili. Ng makarating ako sa costumer service both na open ang harap noon kaya kitang kita ang taong nasa loob at ang mga pepel na nakasabit sa wall at nagulat ako ng makita ko ang mukha ko na nakaprint sa isang papel na parang long band paper at my nakasulat sa taas. Best Employee of the month' my ribbon pa sa gilid at my nakasukat na pangalan ko sa ilalim; "Bea Marie Rosales- Best employee Promo-Jaguar section' ladies department!" "Kaya naman pala pinagtitinginan ako eh", bulong ko saking sarili. At binigay na nga sakin ang certification my kasama pang 500 worth of gift certificate na pwedi kong magamit sa grocery or foodcourt ng mall. Ng pumunta na ako sa department ko ay masaya akong binati ng mga kasamahan ko at syempre may ibang alam kong paplastic lang ang pagbati at may halong inggit! "Oy girl swerti mo ah'', sabi ni Mich ng magkasabay na naman kami ng breaktime. "Oo nga' swerti niya nagustuhan ng forienger na yun ang pag assist niya kahapon". Salita ng nakasunod sa amin at paglingon ko nakita ko yong babaeng nakaasign sa men's section kahapon. "Anung ibig mong sabihin?" tanong ko habang sumabay na siya samin ni Mich sa paglalakad papunta din yata sa foodcourt. Sa foodcourt kasi kami kakain ni Mich ngayon libre ko gagamitin ko yung giftcert na natanggap ko kanina. "Kasi pag alis mo day' tinanong niya ako kong saan ka talagang department, at yon sinabi ko basi sa nakita ko sa ID mo." At nakita ko siya nong nag break ako para mag cr nasa costumer service siya. Paliwanag niya na pumagitna n samin ni Mich at nakaakbay pa saming dalawa. Feeling close agad, haha. " Ah kaya pala". sabi ko na may pagkabigla! " Ako nga pala si Nancy' you can call me C'c", pakilala niya. Saan tayo kakain? kasama ako diyan ha", sabi niya sabay nguso sa bitbit kong gift certificate. Napatwa naman ako at nagkatinginan kami ni Micth sabay sabing "Oo ba, sure!" At yun masayang natapos ang duty ko ng araw na yon hanggang sa uwian na. As usual sa employee's exit kami dumaan, magkasabay na kami ni Micth dahil sabay kami ng pasok ngayong araw. Paglabas namin ng employee's exit ay costumer's parking na yun at maglalakad pa kami ng konti papunta sa sakayan ng jeep at trycycle. Nagkukwentuhan kami habang naglalakad ng may biglang tumawag sakin mula sa likuran. "Miss Bea Marie Rosales" tawag niya sa kakaibang accent. parang english na mygpagka german. Napalingon ako at nagulat ako ng makilala ko ang nkasunod sa amin ni Mich kasabay ng ibang mga empleyado. "Yung costumer kahapon!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD