TININGNAN ni Aria ang suot na wristwatch. At hindi niya napigilan ang mapasimangot nang makitang sampung minuto na siyang naghihintay sa Rivas Mall sa pagdating ng kaibigan na si Sanya. Niyaya kasi niya ito na pumunta ng Mall ng araw na iyon dahil magpapasama siya dito na bumili ng regalo para kay Angelo. Ngayong darating kasi na sabado ay Birthday na nito at ang kakambal din nitong si Aiden. At ang plano ng pamilya nito ay i-celebrate ang birthday ng dalawa. Hindi daw kasi nakakasama ng mga ito si Aiden kapag nagse-celebrate ang mga ito ng birthday ni Angelo dahil nga bihira lang umuwi si Aiden sa banda. Sakto namang nasa Pilipinas si Aiden ng sumapit ang birthday ng dalawa kaya ma-isi-celebrate iyon ng kasama ito. Tinulungan nga ni Aria si Tita Aika sa pagpi-prepare sa birthday cel

