"ANG gwapo natin ngayon, ha?" komento ni Aria kay Angelo nang mapagbuksan niya ito ng pinto sa condo niya. Sumilay naman ang matamis nitong ngiti sa labi sa sinabi niya. "Of course, kailangan kung magpa-gwapo. I will meet your parents today," wika naman nito sa kanya. "Kaya dapat gwapo ako," dagdag pa na wika nito. Napangiti naman si Aria sa sinabi nito. Pupunta kasi sila sa Probinsiya nila sa Tarlac ngayong araw. Naisip kasi niyang umuwi sa Tarlac para bisitahin niya ang pamilya. Halos isang buwan na din kasi siyang hindi nakakauwi sa kanila. Tumatawag naman siya sa kanila araw-araw pero iba pa din iyong umuwi siya sa kanila, iba pa din iyong makita at makausap niya ang pamilya ng personal. Ang original na plano ni Aria ay siya lang ang uuwi. Pero noong malaman iyon ni Angelo ng ma

