"BABE?" tawag ni Aria sa atensiyon ni Angelo na abala sa panunuod ng basketball game sa Flat TV screen sa sala ng condo nito. Inalis naman nito ang tingin sa pinapanuod at nag-angat ito ng tingin patungo sa kanya. "Yes, babe?" wika naman nito ng magtama ang mga mata nila. "May gusto sana akong sabihin sa 'yo," sabi naman niya dito. Saglit naman itong tumitig sa kanya bago nito kinuha ang remote control ng TV at saka nito hininaan ang volume ng TV para magkaintindihan silang dalawa kung ano man ang sasabihin niya. "Come here, babe," wika naman nito sa kanya sabay tapik sa sofang kinauupuan nito na katabi nito. Humakbang naman siya palapit dito at umupo siya sa tabi nito. "Anong gusto mong sabihin sa akin?" masuyo ang boses na tanong nito ng tuluyan siyang nakaupo sa tabi nito.

