PINUPUNASAN ni Aria ang basang buhok gamit ang puting tuwalya ng makalabas siya ng banyo na nasa loob ng kwarto niya. Nakasuot siya ng bath robe at sa loob niyon ay tanging itim na undergarmets lang ang suot niya. At hahakbang sana si Aria patungo sa kinaroroonan ng vanity mirror niya ng mapatigil siya ng makarinig niya ang tunog ng doorbell na nanggaling sa labas ng condo niya. Hindi naman niya napigilan ang bahagyang pagkunot ng kanyang noo ng mapatingin siya sa orasan na nakasabit sa pader sa may kwarto niya. At ang nasa isip niya kung sino ang nagdo-doorbell sa sandaling iyon ay walang iba kundi ang fiancee niya na si Angelo. May usapan kasi sila na alas otso siya nito susunduin sa condo niya dahil aattend sila ng kasal na dalawa. Ngayong araw na kasi ang kasal ng kaibigang si Ka

