TATLONG araw na ang lumipas simula noong ma-holdap si Aria. At sa loob ng tatlong araw na iyon ay nanatili lang siya sa bahay. Hindi pa kasi siya pinapasok ng asawa sa clinic niya dahil gusto nitong magpahinga mo na siya. At gusto nito iyong okay na okay na siya. Okay naman na si Aria, minsan ay naaala niya ang nangyari sa kanya pero hindi na iyon gaya ng una na talagang nangingilabot siya. Ang gusto yata ng asawa ay hindi na niya maalala ang nagyari sa kanya. Pero hindi naman niya iyon malilimutan. Habang buhay na niya iyon sa isip niya. At tanging magagawa lang niya ay ang mag-move on sa nangyari. At sa loob ng tatlong araw na iyon ay nanatili lang din ito sa bahay para samahan siya. Sinabi naman niya dito na kaya naman na niya ang mag-isa. Pero hindi na naman ito nakinig sa kanya. Hin

