HINDI maiwasan ni Aria ang makaramdam ng pagkailang ng mapansin niya ang klase ng titig na pinagkakaloob ni Aiden sa kanya sa sandaling iyon. "Hi." bati ni Aria kay Aiden para maalis naman ang tingin nito sa kanya. "Nice to meet you again," dagdag pa na wika niya dito. Pinagdikit naman ni Aria ang ibabang labi ng wala siyang makuhang sagot dito sa pagbati niya. Nakatitig lang ito sa kanya. And there is something different in his eyes as he look at her right at the moment. Hindi lang niya mabigyan ng kahulugan kung ano ang kakaiba sa titig na pinagkakaloob nito sa kanya. At doon lang naman inaalis ni Aiden ang tingin sa kanya ng magsalita si Angelo. "Anyway, Kuya," wika nito mayamaya Nasanay na talaga ang boyfriend na tawagin itong Kuya kahit na magkakambal ang dalawa. "I want you to m

