Nakarating siya sa police station, pagkapasok niya may media na roon. Hindi niya pinansin ang mga ito at dumeretso sa isang police para magtanong. "Where is Maxton Ramos?" agad na tanong niya, narinig naman niya ang bulong bulungan ng nasa likod niya. "Kaano ano niyo po si Mr. Maxton Ramos?" "I'm his daughter—" hindi niya na natapos ang sasabihin niya dahil nagsilapitan ang mga media sa kaniya. 'Alam niyo ho ba na ang iyong ama ay drug user?' 'Ano ang masasabi mo sa nangyayaring ito?' 'Matagal na ba siyang gumagamit?' 'May isang reklamo na naka-rape raw ito—' Hindi niya na narinig pa ang mga tanong dahil in-escort siya ng dalawang pulis para makapasok pa sa loob. Nakayuko lang siya habang naglalakad. Sinenyasan siya ng isang police na pumasok doon sa pinto. Bumuga muna siya ng han

