Kecha POV Masaya ako para sa mga kaibigan ko—ikakasal na rin sila! Pinuntahan ko ang mag-ama ko sa kabilang kwarto. Sumandal ako sa pintuan nang makita ko nag-uusap ang mga ito. Kinuha ko sa loob ng bag ang cellphone at lihim na kinuhaan ng pictures. "Eomma?" tawag ng anak ko sa akin dahilan para itago ko kaagad ang cellphone ko. (Mommy?) "Aalis na tayo at sa simbahan na tayo dederetso kasi papunta na rin ang bride sa simbahan," kaagad kong sambit sa mag-ama ko. Hinalikan niya ako sa labi nang makalapit sila. Kinurot ko na lang siya sa baywang pinag-tawanan kami ng anak namin. "Tara na!" aya ko sa mag-ama ko. Nagbilin siya sa dalawang katulong bago kami lumabas ng bahay at sumakay na kaming tatlo sa kotseng nakaparada sa garahe. Medyo na-traffic pa kami sa kalsada habang papunta sa

