Year 2014 Kecha POV Sa Korea Magka-kasama kami nang sumunod sa akin ang boyfriend ko nang matapos niya ang ginagawa sa China. "Mommy, ang saya ko po ngayon." wika ng anak ko nang kumapit sa braso ko. "Mabuti naman, son." ngiting sambit ko sa anak ko. "Mommy, kailan po kayo magpapa-kasal?" tanong ng anak ko at tumingin sa daddy niya. Napatingin na rin ako sa boyfriend ko, ano ang isasagot niya? "Ewan ko sa daddy mo." sambit ko na lang siya na lang ang hinihintay ko. "Malapit na, son." sabat niya sa anak namin nang lumipat ng pwesto habang naglalakad kaming tatlo sa kalsada. "Wag mo siya paasahin, ugly." sita ko—ako kasi aasa talaga... "Hindi ko siya pinapa-asa, beauty." aniya sa akin. "Ano?" aniko sa kanya feeling kinabahan ako ng sabihin niya 'yon. "Wala," sambit niya sa akin

