Habang minamasdan at naglalaro ang mag-ama ko sa pool nag-vibrate ang cellphone ko sa tabi ko nakita kong umilaw ang screen. Si Chie, bakit kaya? Text message Chie: Busy ka ba ngayon? Chie: Aayain kita na sumama sa resort uuwi sila tita Jeah at tito Jeo hindi alam ito ng magkapatid. Chie: Pupunta ka ba? Kecha: Susubukan ko kasama ko kasi ang anak ko. Chie: Nandito ang inaanak namin? Kelan pa? Kecha: Nung magsimula ang bakasyon nasabi hindi ba ni mom at dad nabanggit niya sa akin na pumunta kayo sa bahay. Chie: Hindi siya sumama sa pagbalik sa Korea? Kecha: Pagkatapos nitong bakasyon, susunduin siya ng magulang ko. Chie: Text mo ako kung tuloy ka isama mo ang inaanak ko. "Nag-text sa akin si Chie sumama daw tayo sa resort." aniko nang makita kong nasa gilid ng pool ang boyfriend

