After 2 days Nagpunta ako sa club para tignan ang nangyayari. May nabalitang may nanakawan ng gamit sa loob ng club ko. "Boss," tawag ng tauhan ko sa akin pagkarating ko sa club kinagabihan. "Anong nangyayari dito, sino ang taong ninakawan?" tanong ko sa tauhan ko pagkalapit niya sa akin. "Siya, boss." aniya tinuro ang babaeng nakatalikod sa aming dalawa. "Miss, ito na ang boss ko." sambit ng tauhan ko sa kanya napalingon kaagad siya. "Jonathan George?" anito sa akin kumunot ang noo ko sa nakikita ko ngayon. "Cris.." sambit ko na lang sa kanya. "Ikaw ang may-ari ng club na 'to?" tanong niya sa akin hindi na ako tumanggi sa kanya. "Boss," tawag ng tauhan ko sa akin. "Ako na ang bahala sa kanya asikasuhin mo ang mga costumer natin," bilin ko sa kanya ng tignan niya si Cris. "Okay

