Hindi pa rin ako makapaniwalang may anak ako—kaming dalawa ni Kecha parang nanaginip ako. Bumangon ako sa kama at kumuha ng bagong twalya bago pumasok sa banyo para maligo. Ano kaya ang pwede ko i-regalo sa anak ko? Tumapat ako sa shower at napapikit bumalik ang nangyari. Hinatid ko ang mag-ina ko sa bahay ng dati kong girlfriend. "Hatid ko na kayo?" alok ko sa mag-ina ko. "Sige," aniya at tinawag ang anak namin. "Mommy?" bungad ng anak namin pagka-lapit nito sa amin. Ang sarap sa feeling ang ganito.. "Uuwi na tayo," aya niya sa anak namin. "Okay po," sambit ng anak namin. Nakita naming tatlo ang magulang ni Kecha sa labas ng bahay. "Grandpaaaa!!" sigaw ng anak namin nang bumaba sa pag-kakarga ko sa kanya. "Apo, pasok na kayo." aya ng daddy ni Kecha sa amin napayuko ako. "Pap

