Nang makauwi kami sa bahay mula sa check-up at pakikipag-usap sa abogado namin. "Mom, dun muna ako sa pool area maliligo ako." sambit ng anak namin. "Sige, mag-iingat ka at mapulikat ka dun." bilin ko na lang. "Yes, mommy." sambit ng anak namin bago umakyat sa kwarto para mag-palit ng damit. "Kung nakalaya man siya sa kulungan hindi siya makaka-lapit sa atin hihingi ako ng tulong sa underground world kahit anong kapalit nito para protektahan ko kayo tatanggapin ko para mabuhay kayo," aniya sa akin. "Sabi mo sa akin, hindi ka na babalik dun? Pinangako mo 'yan noon." paalala ko sa kanya. "Gusto ko kayo ingatan delikado man ito para sa inyo rin ang gagawin ko sana maunawaan mo, beauty." aniya sa akin. Humagulgol ng iyak ako nang maisip ko ang gagawin niya para sa pamilya namin. Niyakap

