Kecha POV Nag-wawalis ako sa bakuran namin ng may humintong sasakyan sa tapat hindi ko muna pinansin. Baka sa kabilang bahay lang at sa tapat ng bahay huminto napatingala ako ng may magsalita. Nakita ko si George na nakatayo sa labas ng gate namin. "Uli yaegi hal su-iss-eo?" sambit niya nang lumapit sa may gate. (Can we talk?) "Oo naman, pasok ka muna sa loob." alok ko sa kanya at binitawan ko ang hawak na walis saka binuksan ko ang gate namin. "Pwede ba na mamaya mo na lang ituloy ang ginagawa mo? May importante akong sasabihin sa'yo." sambit niya sa akin nang makita itutuloy ko pa rin nito ang gagawin. Huminto ako sa pagkilos nang mapalingon ako sa kanya na seryoso ang mukha. Napabuntong-hininga na lang at sinama ko siya papasok sa loob ng kanilang bahay. "Ano ba 'yon?" tanong ko

